Bishop Pabillo, nagpapasalamat na walang nasaktan sa nasunog na refectory building ng Vicariare of Taytay, Palawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 970 total reads

Nasunog ang refectory building ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan na nagsisilbing kusina at kainan ng mga pari at kawani ng Bikaryato.

Sa pamamagitan ng isang video post ay ipinakita ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo ang sitwasyon sa nasunog na isang palapag na gusali noong Huwebes, ika-12 ng Mayo, 2022 pasado alas-dose ng madaling araw.

Ayon sa Obispo, dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay natupok rin maging ang tirahan ng tagapag-luto at driver ng Bikaryato, pati na rin ang sasakyan na kanyang ginagamit sa pag-iikot at pagbisita sa mga parokya sa Apostoliko Bikaryato ng Taytay, Palawan.

Nagpapasalamat naman si Bishop Pabillo na walang nasaktan sa naganap na sunog at naapula ang apoy bago pa ito kumalat sa katabing gusali na nagsisilbi namang tirahan ng mga pari at bisita ng Bikaryato.

“Kagabi po [Thursday] mga alas-dose ng hating gabi dinapuan po ng apoy ang aming [refectory] building at ang bilis ng kalat ng apoy at nasunog po ang tirahan ng aming cook, ng aming driver kasama na po yung sasakyan na ginagamit ko sa aking pagbibisita sa mga parokya at naubos po yung aming kusina at ang kainan. Mabuti nalang at napigilan namin yung apoy na kumalat kung saan nakatira ang mga pari kaya ito po ay hindi magandang balita na ibigay pero hindi namin ma-control yung apoy, napakabilis po. Yan po yung aming kalagayan ngayon, malaking trabaho ito paano namin ito gagawin, aayusin uli,” ang bahagi ng mensahe ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo.

Pagbabahagi ni Bishop Pabillo, bagamat hindi nila alam kung paano sisimulan ang pagsasaayos sa gusali at sa mga natupok ng apoy ay dapat pa rin na ituring na biyaya ng Panginoon na walang sinuman ang nasaktan sa naganap na sunog.

Ang Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan na mayroong 23 parokya at 4 na mga mission stations ay kasalukuyang nasa pangangalaga ni Bishop Broderick Pabillo katuwang ang may 40 mga Pari upang pangasiwaan ang buhay espiritwal ng may 460,000 mga binyagang Katoliko.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 6,586 total reads

 6,586 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 31,940 total reads

 31,940 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 72,499 total reads

 72,499 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 98,899 total reads

 98,899 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 147,165 total reads

 147,165 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 167,807 total reads

 167,807 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 6,587 total reads

 6,587 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 9,437 total reads

 9,437 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »
Scroll to Top