Transpormasyon sa Agrikultura

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 586 total views

Kung naalala niyo kapanalig, noong nakaraang taon, halos masikil sa hirap ang sektor ng agrikultura dahil sa biglaang lockdown na pinatupad sa ating bansa. Ang kanilang mga ani ay hindi nila maibenta sa mga merkado at nagbunsod sa pagkalugi ng maraming magsasaka.

Kapanalig, kailangan nating maalagaan ang sektor ng agrikultura. Ito ay kritikal sa katiyakan sa pagkain sa bansa. Ito rin ay isa mga daan tungo sa makabuluhang poverty reduction sa bansa. Taon-taon na lamang, ang mga magsasaka at mangingisda ang laging pinakamahirap sa bansa. Nasa 34% ang poverty incidence sa kanilang hanay nitong 2015.

Ngayon kapanalig, aray ng aray ang ating mga kababayan sa sektor ng agrikultura. Bumabaha ang mga exports sa merkado at ang kanilang produkto, may COVID man o wala, ay nalulugi. Mas mura lagi ang ang presyo ng exports dahil sa dami ng suplay, habang ang mga produkto natin, dahil sa mahal ng raw materials at gamit sa produksyon, mahal ang nagiging presyo.

Kapanalig, tunay na kailangan ng transpormasyon sa agrikultura sa bansa. Bago pa man magka-pandemic, ang paglago sa sektor na ito ay matamlay – mula 2016 hanggang 2019, nasa 1.3% lamang ito.



Kung nais nating tunay mawaksi ang kahirapan sa bansa, kailangan natin bigyan ng atensyon ang sektor ng agrikultura. Ang dami nilang pangangailangan na hindi natin napupunan. Gaya na lamang ng tulong sa lupa – maraming mga taniman sa bayan ang naco-convert na sa mga residensyal na lupa, at paliiit na ng paliit ang mga sakahan. Maaring maconsolidate o mapagsama-sama ito sa ilalim ng samahan ng mga magsasaka o kooperatiba upang kumita naman ang mga maliliit na magsasaka. Kaya lamang, hirap makipagtunggali sa mga ahensyan o korporasyon na may interes sa lupa.

Ang isa pang problema ay ang irigasyon. Laging below expectations ang performance ng irigasyon sa atin. Kulang ang tubig, may problema sa disenyo, at hirap sa maintenance ang ilan sa problema natin sa aspetong ito. Panahon na upang matugunan din ito.

Kapanalig, kailangan ng malawakang transpormasyon sa agrikultura kung nais natin na tunay na maiwaksi ang kahirapan sa bansa. Ayon nga sa Evangelii Gaudium, “We can no longer trust in the unseen forces and the invisible hand of the market.” Kung nais natin ng tunay na hustisya, kailangan natin ng mga desisyon, programa, at mekanismo na nakatuon sa tunay at makatarungang distribusyon ng kita, ang paglikha ng trabaho, at ang tunay pagsulong sa kapakanan ng maralita. Kung hindi natin gagawin ito, lagi na lamang nasa laylayan ang magsasaka at mangingisda.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 58,392 total views

 58,392 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 58,392 total views

 58,392 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 58,392 total views

 58,392 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 56,596 total views

 56,596 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 51,691 total views

 51,691 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Isa pang state of emergency

 58,393 total views

 58,393 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 58,393 total views

 58,393 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 58,393 total views

 58,393 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 56,597 total views

 56,597 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »
Scroll to Top