Transportasyong ligtas, maginhawa, at para sa lahat

SHARE THE TRUTH

 178 total views

Mga Kapanalig, nananatiling malaking problema rito sa Metro Manila ang matinding trapik. Hindi rin nakatutulong ang mga tren na siksikan tuwing rush hour at madalas na nasisiraan. Bagamat tinatangkilik ng mas nakararami ang mga bus at jeep, nangangamba naman ang mga mananakay sa kanilang kaligtasan. Mabilis din namang mapuno ang mga van na may aircon ngunit hindi naman siyento porsyentong ligtas sa mga holdaper. Ang mga taxi drivers naman, inirereklamo ng marami na mapili at nanghihingi ng dagdag sa pamasahe. Ito ang araw-araw na hirap na kinakaharap ng mga mananakay sa Metro Manila.

Dahil dito, may mga commuters na tumatangkilik sa tinatawag na transport network vehicle services o TNVS tulad ng Uber at Grab. Sa pamamagitan ng smartphone application at internet, ang isang mananakay ay makakukuha ng sasakyang susundo at maghahatid sa kanya. Marami sa mga tumatangkilik sa TNVS ang nagsasabing bagamat may kamahalan, mas maginhawa at ligtas ang kanilang pakiramdam sa pagbibiyahe kumpara kung sasakay sila ng taxi o magpapalipat-lipat ng jeep. Hindi sila tinatanggihan, kinokontrata, o hinihingian ng dagdag na bayad kapag mabigat ang daloy ng trapiko.

Ngunit para sa Land Tansportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB, kailangang sumunod ng mga transport network companies gaya ng Uber at Grab sa mga regulasyong sumasaklaw sa mga pampublikong transportasyon. Kailangan daw ito upang matiyak ang pananagutan ng mga operators at drivers sakaling masangkot sila sa aksidente at upang mabuwisan ang mga ito nang tama dahil tumatanggap sila ng bayad para sa kanilang serbisyo. Mula Hulyo noong nakaraang taon, hindi na muna tumanggap ang LTFRB ng mga bagong aplikasyon para sa mga may-ari ng sasakyang nais mag-operate sa ilalim ng Uber o Grab. Lumipas ang isang taon at natuklasan ng LTFRB na halos 50,000 TNVS units ang pumasada nang walang permit o colorum, kaya’t pinagmulta nito ang Uber at Grab ng 5 milyong piso. Sinuspinde rin ng LTFRB ang operasyon ng dalawang kumpanya ngunit nagsumite ang mga ito ng motions for reconsideration kaya’t nagpapatuloy ang pagbiyahe ng kanilang mga drivers.

Pinatingkad ng isyung ito tungkol sa TNVS ang kakulangan ng kahandaan ng pamahalaan para sa isang teknolohiyang nagbibigay ng alternatibo sa hindi pa rin maayos-ayos na sistema ng transportasyon sa ating mga lungsod, lalo na rito sa Metro Manila. Hindi natin masisi ang mga kababayan natin tumatangkilik sa mga ito upang makabyahe nang ligtas at mas mabilis. Sa kabilang banda, hindi dapat gamitin ang pangangailangang ito ng mga mananakay para lamang makapagnegosyo at sa kalauna’y makadagdag sa libu-libong sasakyang nagsisiksikan sa ating mga lansangan.

Sa kaibuturan ng isyung ito ay ang pagbaba ng kalidad ng buhay ng tao sa mga lungsod. Sabi nga ni Pope Francis sa Laudato Si’, ipinahihiwatig ng kawalan ng maayos at ligtas na pampublikong transportasyon, kasabay ng nakasusulasok na polusyon sa hangin at nakabibinging ingay sa kapaligiran, ang hindi maayos na paglaki at paglawak ng mga lungsod.[1]

Dagdag pa ng Santo Papa, sanhi rin ang “car culture” ng paglala ng trapik at polusyon sa ating mga siyudad dahil marami ang gusto ng maginhawang paglalakbay, habang nagtitiis ang mga walang kakayanang bumili ng sariling kotse sa mga pampublikong transportasyon. Kaya naman, kasama ang Santa Iglesia sa mga nananawagan para sa pagpaplano ng ating mga lungsod, isang pagsasaayos na isinasaalang-alang ang kalikasan at ang kalidad ng buhay ng tao, at kasama rito ang pagkakaroon ng mass transportation system na ligtas, maginhawa, at para sa lahat, mayaman man o mahirap, may smartphone man o wala.

Nawa’y hindi lamang tutukan ng pamahalaan ang regulasyon ng mga TNVS at pagpapataw ng multa sa mga lumalabag sa patakaran. Sa kabilang banda, maging hamon din nawa ang pagsikat ng TNVS upang pagbutihin ng mga operators at drivers ng mga jeep at taxi—mga sasakyang tinatangkilik pa rin ng mas nakararami—ang kanilang serbisyo.

Sumainyo ang katotohanan.

[1] Laudato Si’ #44. “Nowadays, for example, we are conscious of the disproportionate and unruly growth of many cities, which have become unhealthy to live in, not only because of pollution caused by toxic emissions but also as a result of urban chaos, poor transportation, and visual pollution and noise.”

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kultura ng pagpapanagot

 14,422 total views

 14,422 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »

Maging tapat sa taumbayan

 26,846 total views

 26,846 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Farm lots

 42,281 total views

 42,281 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »

Wage Gap

 43,521 total views

 43,521 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »

Education Equality

 53,532 total views

 53,532 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 14,423 total views

 14,423 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 26,847 total views

 26,847 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Farm lots

 42,282 total views

 42,282 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wage Gap

 43,522 total views

 43,522 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Equality

 53,533 total views

 53,533 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bigyang-pansin ang pagpapabakuna

 51,045 total views

 51,045 total views Mga Kapanalig, ang inyong mga anak, gaya ng sabi sa Mga Awit 127:3, ay mga pagpapalang kaloob ni Yahweh. Bilang mga regalong galing sa ating Diyos, paano ninyo ipinakikita ang pagpapahalaga sa inyong mga anak? Siguro, ang pinakamadaling sagot dito ay ang pagbibigay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive mobility

 65,804 total views

 65,804 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa content?

 56,298 total views

 56,298 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabuhayan sa Bangketa

 75,695 total views

 75,695 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Street People

 86,810 total views

 86,810 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buhay sa Slum Settlements

 90,731 total views

 90,731 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga katutubong pinaasa at pinalayas

 73,658 total views

 73,658 total views Mga Kapanalig, nagulat at nanlumo ang 44 na miyembro ng tribong Ati sa isla ng Boracay nang palayasin sila sa lupang inakala nilang napakasamay na nila. Linggo ng Palaspas nang dumating ang mga guwardyang naglagay ng mga piraso ng yero upang paligiran ang lupa. Hindi sila pinapasok ang mga katutubo kahit pa namagitan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Naglahong pera na naman?

 70,056 total views

 70,056 total views Mga Kapanalig, hindi pa naipaliliwanag ng Department of Education (o DepEd) ang 125 bilyong pisong confidential funds nito na nagastos sa loob ng labing-isang araw noong 2023, heto na naman at may bagong kontrobersyang minumulto ang sektor ng edukasyon. Speaking of “multo”, may kinalaman ang panibagong isyu sa mga tinatawag na “ghost students”. 

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sikretong kasunduan

 69,665 total views

 69,665 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo sa balita ang nangyari sa mga barko ng Pilipinas at sa mga sakay ng mga ito habang nagsasagawa ng tinatawag na rotation and resupply mission para sa ating mga sundalong nasa BRP Sierra Madre na nakahimpil sa Ayungin Shoal? Nangyari ang insidente Sabado bago ang mga Mahal na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Catastrophic Diseases

 92,492 total views

 92,492 total views Alam niyo kapanalig, ang pagkakasakit, lalo na pag malubha, ay isa sa mga pangunahing dahilan ng kahirapan ng marami nating mga kababayan. Ayon sa opisyal na datos, ang mga pangunahing cause of death sa ating bansa ay ang sakit sa puso o ischemic heart disease, kanser, at mga cerebrovascular diseases. 19% ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top