Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Walk the talk!

SHARE THE TRUTH

 261 total views

Sa pamamagitan ng Department of Overseas Filipino Workers, inihayag ni CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People at Balanga Bishop Ruperto Santos na mabigyang pagkilala ang mga manggagawang pinoy sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Ayon kay Bishop Santos, karapat-dapat lamang kilalanin ang mga sakripisyo ng mga OFW na isa sa pangunahing dahilan sa likod na patuloy na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.

Kaugnay nito ay hiniling ng Obispo na tuparin ng pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pangako na pagtatatag ng sariling departamento para sa mga bagong bayani ng bansa.

“We are grateful and appreciative na binanggit ni Pangulong Duterte ang ginagawang kabutihan, kagandahan at sakrispisyo ng mga OFW. Ngayon hiling natin ay tuparin ng mahal na pangulo ang kanyang pangako na itayo ang Department of Overseas Filipino Workers dahil ito ay malaking tulong at nagpapakilala ng pagpapahalaga sa mga OFW,” pahayag ni Bishop Santos.

Nangako rin ang pangulong Duterte na maglalaan ng isang bilyon pisong pondo para sa 2.4 milyong O-F-Ws.

Unang inihayag ni ACT-OFW Partylist Representative Aniceto Bertiz III na kabilang ang Philippine Overseas Employment Administartion (POEA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Commission on Filipinos Overseas sa mga bubuwaging ahensya upang makabuo ng mas sistematikong departamento.

Sa ulat na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas, naitala noong buwan ng Marso 2017 ang pinakamataas na OFW remittance na umabot sa $2.91 bilyong dolyar, mas malaki ng 11.8% sa $2.60 bilyong dolyar sa parehong buwan noong 2016.

Dahil sa tapang at determinasyon upang itaguyod ang kanilang mga pamilya, pinuri ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga OFW sa kanyang pagbisita sa bansa noong 2015.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 35,063 total views

 35,063 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 46,193 total views

 46,193 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 71,554 total views

 71,554 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,924 total views

 81,924 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 102,775 total views

 102,775 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 6,502 total views

 6,502 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 60,777 total views

 60,777 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 86,592 total views

 86,592 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 127,730 total views

 127,730 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top