Tulong, hindi pagkukulong, ang kailangan ng mga batang nagkakasala

SHARE THE TRUTH

 343 total views

Mga Kapanalig, itinalaga ang buwan ng Nobyembre bilang National Children’s Month. Sa pagdiriwang nito, mainam na tingnan natin kung paano ba isinusulong at pinangangalagaan ng ating pamahalaan ang karapatan ng mga bata. Makikita natin ang sagot sa mga panukalang batas na nakahain ngayon sa Kongreso.

Isang panukalang batas na malinaw na hindi isinusulong ang kapakanan ng mga bata ay ang pagbababa sa minimum age of criminal responsibility o MACR. Sa kasalukuyang batas, mapananagot sa batas ang batang 15 taong gulang, ngunit bunsod na rin ng “war on drugs and crime” ng kasalukuyang administrasyon, may mga nagsusulong sa Kongreso na ibaba ang MACR sa edad na 9.

Ang MACR ay ang pinakamababang edad kung saan ang isang tao ay maaaring makasuhan at makulong. Kung maisasabatas ang mga panukalang ito, may mga batang 9 na taong gulang na mabibilanggo. Sa pananaw ng mga mambabatas na nagsusulong sa pagpapababa ng MACR, ganap na ang kakayahan ng isang 9 na taong gulang na bata upang malaman ang tama at mali at magpasya para sa sarili. Sa madaling salita, naniniwala sila na ang kapasidad ng pagpapasiya ng isang 9 na taong gulang ay katulad ng isang adult o matanda.

Makatwiran nga ba ito, mga Kapanalig? Pakaisipin natin: kung ang edad nga ng pagboto at pagpapakasal sa ating bansa ay itinakda sa 18 taong gulang–ang edad kung saan ipinapalagay na ang isang tao ay kaya nang gumawa ng tamang desisyon—paano masasabing ang isang 9 na taong gulang na bata ay ganap na ang kakayahang gumawa ng bagay na labag sa batas at magpasok sa kanya sa bilangguan?

Marami nang mga pag-aaral ang nagpapatunay na hindi akmang gamitin ang pamamaraang ginagamit upang papanagutin ang mga nakatatanda sa kaso ng mga batang nakagagawa ng krimen. Hindi pa ganap na buo ang kaisipan ng isang musmos kaya’t masasabing kulang pa ang kanilang kapasidad na timbangin ang tama at mali sa kanilang mga ginagawa, na maaaring humantong sa pagkakasangkot nila sa delikadong gawain gaya ng krimen.

Hindi natin sinasabing kapag ang isang 9 na taong gulang na batang lumabag sa batas ay dapat hayaan na lamang sapagkat siya ay bata. Hindi ito ang sinasabi sa Juvenile Justice and Welfare Act. Ang mga batang nasasangkot sa krimen, sang-ayon sa batas, ay kailangang dumaan sa isang “intervention program” na pangangasiwaan ng isang social worker. Sa tulong ng kanilang magulang, kailangan ring magbayad ng danyos sa taong nagawan niya ng mali. Mahalagang itanim sa isipan nila na kung sila ay nagkamali, kailangan nilang panagutan ito sa paraang angkop sa kanilang edad at hindi sa pamamagitan ng paraang ginagamit sa mga matatanda.

Ang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga bata, lalo na ng mga batang nagkasala sa batas, ay kinikilala ng ating Santa Iglesia. Sa Catholic Social Teaching na Familiaris Consortio, binigyang-diin ang pangangailangang mabigyan ng espesyal na pansin ang mga bata sa pamamagitan ng pagkilala sa kanilang likas na dignidad at mga karapatan bilang mga tao. Ang atensyong ito ay higit na kailangan ng mas batang nakararanas ng pagdurusa gaya ng mga lumaki sa labis na kahirapan, hindi nakapag-aral, at biktima ng pang-aabuso. Huwag na nating dagdagan ang pagdurusa nila sa pamamagitan ng pagpipiit sa kanila sa bilangguan.

Mga Kapanalig, walang puwang ang pagbababa sa minimum age of criminal responsibility sa isang lipunang minamahal ang mga bata. Sa halip na ituring na kriminal ang mga batang nagkasala sa batas, tulungan natin silang matuto sa kanilang mga pagkakamali at bigyan natin sila ng pagkakataong magbago. Sinasabing bago mag-Pasko ay ipapasá ng Kongreso ang pagbaba ng MACR; maliwanagan nawa sila upang makita nilang hindi ito ang solusyon sa problema ng mga batang nasasangkot sa mga krimen. Hindi pagkukulong kundi tulong at aruga ang kailangan nila.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

50-PESOS WAGE HIKE

 377 total views

 377 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 11,005 total views

 11,005 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 32,028 total views

 32,028 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 50,999 total views

 50,999 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 83,548 total views

 83,548 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

50-PESOS WAGE HIKE

 379 total views

 379 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 11,007 total views

 11,007 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 32,030 total views

 32,030 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 51,001 total views

 51,001 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 83,550 total views

 83,550 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 88,210 total views

 88,210 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 120,829 total views

 120,829 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 117,845 total views

 117,845 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 119,774 total views

 119,774 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 128,883 total views

 128,883 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »
Scroll to Top