Tulong sa mga nasalanta ng baha sa Ifugao, panawagan ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 69,897 total views

Nanawagan ng tulong ang Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe para sa mga pamilya at magsasakang naapektuhan ng baha at pagguho ng lupa sa Banaue.

Ayon kay Fr. Apolonio Dulawan, MJ – Social Action Center Director ng Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na sa maliliit na pamayanan para sa mga pangangailan ng mga naapektuhan ng pagbaha.

“Gumagalaw ngayon ang BSAC team doon sa Banaue, they are contacting all the BECs, the Basic Ecclesial Communities, para tingnan yung mga members nila o mga kapitbahay nila na ngangailangan ng tulong. Pero yung tinitingnan natin baka yung long-range plan ay matulungan itong farmers na talagang nawalan, ‘yan ang mas importante,” pahayag ni Fr. Dulawan.

Bukod sa mga relief goods, kinakailangan ding magkaroon ng rebuilding program para sa mga pamilyang nasira ang mga bahay dahil sa pagguho ng lupa sanhi ng tuloy-tuloy nap ag-ulan sa Ifugao Province.

Batay sa huling tala ng opisyal, may 465 rice farmers at 251 vegetable farmers ng high-value crop ang naapektuhan ng matinding pagbaha.

Tatlong mga bahay naman ang idineklara bilang ‘totally-damaged’ at may 1,044 mga bahay naman ang ‘partially damaged’.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal, umaabot na sa P40 M ang halaga ng pinsalang idinulot ng pagbaha at landslide sa agrikultura at P500 M piso naman ang pinsala sa imprastraktura.

“Awa po ng Diyos, wala po tayong fatality, walang nasawi nating kababayan, pero may anim po tayong injured persons na inagapan po agad ng lunas ng ating mga kasamahan sa Local Government Unit. More than 1,000 families po ang affected pero nag-evacuate po ay 2 family lang diyan sa isang evacuation center,” dagdag ni Timbal.

Huwebes, July 7 nang maranasan ang malawakang pagbaha at pagguho ng putik sa bahagi ng Ifugao Province, lao na sa bayan ng Banaue, sanhi ng walang tigil na pag-ulan dahil sa Hanging Habagat. | with News Intern – Chris Agustin

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bantay ng bayan

 31,890 total views

 31,890 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 116,649 total views

 116,649 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 134,243 total views

 134,243 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 179,317 total views

 179,317 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 36,231 total views

 36,231 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 245,567 total views

 245,567 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top