Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tulungan ang mga misyonero, apela ng Obispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

 738 total views

Hiniling ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa mananampalataya na tulungan ang mga misyonero sa pagpapalanap ng mabuting balita ng Panginoon.

Ito ang apela ng obispo sa pagdiriwang ng World Mission Sunday na ipinagdiriwang tuwing ikaapat na Linggo ng Oktubre.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na bilang binyagang kristiyano ay tungkulin ng bawat isa na makibahagi sa misyon ni Hesus sa sanlibutan kaya’t bawat isa ay hinimok ng maging misyonero kahit sa sariling pamamaraan.

“Pinapaalaala sa atin na patuloy pa ang gawain ng pagpapalagap ng kaharian ng Diyos sa buong mundo. Sa 7 billion na mga tao sa mundo, hindi pa hihigit sa 2 billion ang nakakakilala kay JesuKristo. Marami pa ang kailangan liwanagan ng Magandang Balita ng kaligtasan. Tulungan natin ang mga misyonero. Ipagdasal natin sila na maging mabisa ang kanilang pamimisyon.” ayon sa pahayag ni Bishop Pabillo.

Apela rin ng obispo sa mamamayan na suportahan ang mga misyonero lalo na ang naitalaga sa mga bansang minorya lamang ang mga kristiyano na labis ang hirap at panganib na hinaharap upang maihatid ang mensahe ng Panginoon sa mga komunidad.

Panawagan ni Bishop Pabillo na suriin ang mga sarili kung tinatawagan ng Panginoon na maging misyonero lalo na sa mga larangang kinabibilangan sa pamayanan.

Batid din ng opisyal na sa 500 taong pagtanggap ng mga Pilipino sa kristiyanismo ay nararapat lamang na magpadala ng mga misyonero sa iba’t ibang panig ng daigdig na maghahasik ng binhi ng pananampalataya tulad ng mga misyonerong Espanyol na dumating sa Pilipinas noong 1521.

Tema ng World Mission Sunday ngayong taon ang “You shall be my witnesses” na ayon sa paliwanag ni Pope Francis ay paalala sa ugnayan ni Hesus at ng bawat misyonero na maging saksi ng katotohanan kay Kristo.

Palala ng santo papa sa bawat isa lalo sa mga nagmimisyon na hindi sapat na ipalaganap lang ito sa lipunan kundi mas epektibo ang pagmimisyon kung ito ay isinasabuhay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 6,265 total views

 6,265 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 17,748 total views

 17,748 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 33,437 total views

 33,437 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 34,229 total views

 34,229 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 44,115 total views

 44,115 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mamamahayag, kinilala ng Obispo

 2,478 total views

 2,478 total views Mamamahayag, kinilala ng Obispo Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang lahat ng mga naglilingkod sa larangan ng pamamahayag lalo na ang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top