Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 442 total views

Kapanalig, kadalasan ating iniisip na ang kalusugan ay nakatutok sa ating pangangatawan lamang. Karaniwan, hindi natin naiisip na ang ating mental health ay integral sa tunay na kalusugan nating lahat. Sabi nga ng World Health Organization, “There is no health without mental health.”

Ano nga ba ang mental health, kapanalig? Ang mental health ay di lamang kawalan ng mental disorders.  Hindi ibig sabihin na kapag walang sakit sa pag-iisip, mentally healthy na tayo. Ayon sa WHO, ang mental health ay isang estado ng kagalingan kung saan napagtatanto ng isang indibidwal ang kanyang sariling mga kakayahan, nakakayanan din niya ang mga normal na stress sa buhay, nakakakilos siya at nagiging produktibo, at nakaka-pag-ambag sa komunidad.

Kapag stressed ang tao kapanalig, halimbawa, malaking banta ito sa kabuuang kalusugan ng isang indibidwal. May mga pagkakataon na may physical manifestations na ang stress, hindi ba? Mayroon diyang namumuti o nalalagas ang buhok, pumapayat, di nakakatulog, nagkakaroon ng mga sakit sa balat, at iba pa. May mga insidente pa na pinapalala nito ang mga sakit gaya ng hypertension at sakit ng puso. Lahat ng iyan ay maaaring pumigil sa isang mamamayan na mabuhay ng malaya at masaya. Sagabal ang mga ito sa pakikilahok sa lipunan.

Ang mental health ay kailangang tutukan natin ngayon dahil marami na sa ating mga mamamayan ang nakakaranas ng stress dahil sa hirap ng buhay. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ang kakulangan  sa kita, ang pagsikip ng ating mga kalsada, at iba pang pang-araw-araw na problema sa buhay ng mga mamamayan ay mas bumibigat na ngayon. Marami na ang nagkakaroon ng panic at anxiety attacks.  Sa ating bayan, sinasabing umaabot sa anim na milyong katao ang namumuhay ng may depresyon o anxiety. Ito ang pangatlo sa pangkaraniwang disability sa ating bayan.

Noong November 2021, ang prayer intention ni Pope Francis ay para sa mga mga taong may depresyon. Sabi niya, “Sadness, apathy, and spiritual tiredness end up dominating people’s lives, who are overloaded due to the rhythm of life today. Tulungan natin sila, hindi lamang sa salita, kundi sa gawa.

Kapanalig, malalim na problema ito na kailangang bigyang tugon ng ating pamahalaan. Hindi sasapat ang pagtataguyod ng mga hotline lamang. Sa pangkalahatan, kailangan nating maibsan ang kahirapan sa bayan upang gumaan naman ang pasanin ng mamamayan. Kailangan din natin dagdagan ang budget para mental health response sa ating bayan upang mas mas maitaas pa natin ang kamalayan ukol sa isyu na ito, upang dumami pa ang mga propesyonal sa larangan na ito, at upang mas maramdaman ng Filipino ang kahalagahan ng kanilang total wellbeing.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 34,130 total views

 34,130 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 56,962 total views

 56,962 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 81,362 total views

 81,362 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 100,262 total views

 100,262 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 120,005 total views

 120,005 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 34,131 total views

 34,131 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 56,963 total views

 56,963 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 81,363 total views

 81,363 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 100,263 total views

 100,263 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 120,006 total views

 120,006 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Prayer Power

 135,157 total views

 135,157 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 151,989 total views

 151,989 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 161,846 total views

 161,846 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 189,661 total views

 189,661 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 194,677 total views

 194,677 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »
Scroll to Top