Tuparin ang pangako sa Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 729 total reads

Dakilang araw para sa mga pari ang pagdiriwang ng Misa ng pagtatalaga ng Krisma, pagbabasbas ng langis at pagsariwa sa pangako ng mga Pari.

Ito ang inihayag ni Malolos Bishop Jose Oliveros sa kanyang homiliya sa isinagawang Chrism Mass sa Minor Basilica of the Immaculate Concepcion – Malolos Cathedral noong Miyerkules Santo.

Ayon sa Obispo, ang mga pari at Obispo ay kabilang sa dakilang pagtawag ng Diyos, at sa maharlikang lipi ng Panginoon.

Ipinaalala ng Obispo na kinakailangang kumilos ang mga pari kung ano ang nararapat at inaasahan mula sa kanila.

Ayon kay Bishop Oliveros, bagamat hinihingi ng Kanyang Kabanalan Francisco sa mga Pari na lumabas mula sa simbahan at puntahan ang mga pinakamahihirap na taong hindi na halos naaabot ng mga turo ng Panginoon, kinakailangang maging maingat pa rin ang mga pari na hindi malihis sa kanilang tunay na misyon.

“Kahit na tayo ay nakikihalubilo sa mga tao at kung minsan tayo ay inaanyayahan pang kumilos bilang mga taong kinakasama natin, but let us not forget what we are, we are not simple persons, we are persons consecrated to the Lord. Mahalaga ang makihalubilo sa mga tao subalit huwag tayong padadala sa mga ibinibigay na pinahahalagahan ng mundo at ng mga taong nakakasama natin, nakakahalubilo natin. Kaya naman tayo’y kumilos hindi bilang ordinaryong mga tao ipakita natin sa ating pagkilos sa ating buhay sa araw-araw kung sino tayo.” Pahayag ng Obispo sa kanyang homiliya.

Samantala, hiniling din ni Bishop Oliveros sa mga mananampalataya, ang kanilang suporta, pagmamahal at panalangin para sa mga pari at sa mga Obispo upang maisakatuparan ng mga ito ang tungkuling iniatas ng Panginoon.

Ayon sa Obispo ang mga dasal na magmumula sa mga mananampalataya ang nagsisilbing gabay upang matupad ng mga pari ang layunin ng Diyos at malampasan ang iba’t- ibang pagsubok sa kanilang buhay, kabilang na ang karamdamang kanyang kinakaharap ngayon.

“At kayo naman minamahal naming mga kapatid na naririto ngayon na pinaglilingkuran ng ating mga pari salamat din sa inyong suporta sa ating mga pari, kailangan nila kayo, kailangan namin kayo, kinakailangan namin ang inyong suporta upang aming maisakatuparan ang tunay na paglilingkod, hindi lamang sa ilang tao, kundi sa lahat ng mga tao lalong-lalo na ang ating mga pinaglilingkuran.” Bahagi ng homiliya ni Bishop Oliveros.

Sa kabuuan umaabot sa 219 ang lahat ng mga pari sa ilalim ng Diyosesis ng Malolos, kung saan 187 dito ang mga aktibo sa iba’t-ibang mga tungkulin habang ang iba naman ay nasa mission areas sa ibang bansa at mga retiradong pari.

Ang Misa ng Krisma ay karaniwang isinasagawa tuwing umaga ng Huwebes Santo, subalit maaari naman itong isagawa sa ibang araw ng Semana Santa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 46,453 total reads

 46,453 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 126,256 total reads

 126,256 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 159,703 total reads

 159,703 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 195,001 total reads

 195,001 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 419,764 total reads

 419,764 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,561 total reads

 37,561 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,450 total reads

 30,450 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top