Tutukan ang iba”t-ibang uri ng addiction, hindi lamang droga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 957 total reads

Hindi lamang sa ilegal na droga ang may addiction na nakakaapekto sa lipunan at pamilya.

Ito ang binigyan diin ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa kaniyang homiliya sa pagpapasinaya sa kauna-unahang Sanlakbay Recovery and Restoration Center sa Sta. Cruz Manila.

Ayon sa kaniyang Kabunyian, bukod sa addiction sa illegal drugs, dapat ding bigyang pansin ang ibat ibang addiction tulad ng gadget addiction, at labis labis na panonood ng telebisyon.

Paliwanag ni Cardinal Tagle, bagamat hindi nasasakop bilang ilegal sa batas ay nagdudulot din ito ng epekto sa ating pakikipag-kapwa tao at relasyon sa ating pamilya.

Lahat naman tayo may kaniya-kaniyang addiction, kaya lang yung iba legal. Kaya tuloy lang. Yung mga addicted sa celphone, addiction din yan. Minsan kaharap mo na yung misis mo hindi mo nga tinitingnan ang misis mo. O kaya yung mga teleserye kahit na hindi makakain ng hapunan, kahit na hindi maghanda ng hapunan huwag lang lalagpasan…, ayon kay Cardinal Tagle.

Dahil dito, hinimok ni Cardinal Tagle ang bawat isa na iwaksi ang paghuhusga bagkus ay magtulungan para sa sama-samang paghilom.

“Minsan bago tayo maghusga katulad ni Isaias kasama pala tayo sa bayan na mayroon ding mga karupukan at sa karupukan sama-sama din tayong naglalakbay. At sa pag-ibig ng Diyos sama-sama din tayong maglakbay para sa sama-samang paghihilom at ang nahihilom dyan ang pamilya, ang sambayanan,” ayon pa sa pagninilay ni Cardinal Tagle.

Sa isang mensahe ng Kaniyang Kabanalan Francisco, hinihikayat nito ang bawat isa na maglaan ng panahon para sa pakikisalamuha sa kapwa at pagbibigay oras sa pamilya hindi lamang sa paraan ng makabagong teknolohiya kundi sa pamamagitan ng personal na presensya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 15,327 total reads

 15,327 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 96,797 total reads

 96,797 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 130,246 total reads

 130,246 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 165,545 total reads

 165,545 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 391,561 total reads

 391,561 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 13,841 total reads

 13,841 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top