Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Typhoon Nina victims, hinimok na kumapit sa Panginoon

SHARE THE TRUTH

 248 total views

Hinikayat ni Diocese of Gumaca Bishop Victor Ocampo ang mga mananampalataya na naapektuhan ng bagyong Nina na huwag mawalan ng pag-asa at lalo pang lumapit sa Diyos ngayong taong 2017.

Ayon kay Bishop Ocampo, ang krisis na atin naranasan lalo na dulot ng mga mapaminsalang kalamidad ay maaring maging daan upang lalong ilapit ang ating mga sarili sa Panginoong Diyos.

Sinabi pa ni Bishop Ocampo na hindi dapat magalit sa Diyos kung tayo ay nakakaranas ng pinsala ng kalikasan at sa halip ay manalangin at palakasin pa ang pananampalataya upang makabangon at maipagpatuloy ang buhay.

“Ang mga krisis ay mga pagkakataon na mag-pasya tayo na manalig sa atin Panginoon Diyos sa halip na magtampo, lumayo sa kanya o magalit sa kanya, sa halip lalo tayo dumikit,lumapit sa Panginoong Diyos para pagtibayin ang pananampalataya at pagtitiwala sa kanya,” pahayag ni Bishop Ocampo sa Radio Veritas.

Ipinagpasalamat naman ni Bishop Ocampo ang mabilis na pagtugon ng ilang mga institusyon ng Simbahan katolika partikular na ang Caritas Manila at Radyo Veritas para sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng kalamidad sa kanilang lalawigan.

Aniya ang pagtugon na ito ng Simbahan ay pagpapamalas lamang ng tunay na diwa ng Pasko sa pamamagitan ng pagbibigayan at pagtutulungan.

Batay sa datos aabot sa mahigit 400 libong pamilya ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Nina partikular na sa Bicol region at mga karatig pa nitong lalawigan.

Una namang nagsagawa ang Archdiocese of Manila ng second collection sa mga misa nito noong nakalipas na Sabado at Linggo para itulong sa mga biktima ng kalamidad.

Read:http://www.veritas846.ph/special-collection-sa-mga-misa-para-sa-mga-biktima-ng-bagyong-nina/

Nagsagawa din ang Radio Veritas ng Damay Kapanalig telethon para sa mga apektado ng bagyong Nina.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 126,612 total views

 126,612 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 134,387 total views

 134,387 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 142,567 total views

 142,567 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 157,324 total views

 157,324 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 161,267 total views

 161,267 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 19,953 total views

 19,953 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Sorsogon, umaapela ng tulong

 18,047 total views

 18,047 total views Kumikilos na para makatulong sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Bulusan ang Social Action Center ng Diocese of Sorsogon. Batay sa monitoring

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top