Traslacion, gagawin sa apat na lugar sa bansa sa January 9, 2017

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 442 total reads

Hindi lamang sa Quiapo Maynila magaganap ang Traslacion ng Mahal na Poong Hesus Nazareno ngayong taon.

Ayon kay Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng St. John the Baptist Church o Minor Basilica of Black Nazarene, magaganap din ito sa Cagayan De Oro, Tagum City sa Davao at sa Catarman Northern Samar sa mismong araw ng Kapistahan, Enero 9, 2017.

Paliwanag ng pari, gagawin ito para hindi na bumiyahe pa ng malayo ang mga deboto ng Nazareno na nasa Mindanao para lamang makibahagi sa Traslacion.

“Ngayong taon, hindi lang dito sa Quiapo magaganap ang Traslacion, merun din sa Cagayan, and first time sa Tagum then meron din sa Catarman Northern Samar. Layunin nito para di na kailangang bumiyahe yung mga nasa Mindanao, so nag-oorganisa na rin sila ng preparation nila para sa traslacion, kasabay sila sa Quiapo,” pahayag ni Fr. Badong sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito, naniniwala si Fr. Badong na malaki na ang ipinagbago ng mga sumasama sa Traslacion dahil disiplinado na sila maliban pa sa boluntaryong tumutulong para sa maayos na Traslacion at hindi ang makahawak lamang sa andas.

“Nagkakaroon na ng pagbabago sa mga nasa Quaipo na uma-attend ng retreat nakikitaan sila na pagnanais na maisaayos ang kanilang buhay, nabibigay ang kanilang share, nababawasan yung mga iniisip lang makahawak sa andas, yung iba willing talaga ang tumulong para maayos ang Traslacion, kaya kami sa Simbahan nagpapasalamat kami,” ayon pa sa pari.

Una ng inihayag ng St. John De Baptist Church o na i-Facebook live ang Traslacion 2017 na may temang ‘Pag-ibig ang Buklod ng Ganap na Pagkakaisa’.

Ayon kay Fr. Douglas Badong parochial vicar ng Quiapo church ito ay upang mapanood at makaisa sa pagdiriwang ang mga mananampalataya na hindi makakapunta sa kapistahan lalu na ang mga nasa ibang bansa.

Nanawagan din ang pari sa mga mananampalataya na ipagdasal ang kapistahan para sa kaligtasan ng lahat ng makikiisa sa Traslacion.

Isang Misa rin ang gaganapin sa Quirino Grandstand na pamumunuan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, alas-12 ng hatinggabi bisperas ng pista bago magsimula ang prusisyon pabalik ng imahe ng Poong Hesus Nazareno sa Quiapo Church.

Karaniwang umaabot ng 12 oras ang prusisyon, bagama’t noong 2012 ay naitala ang pinakamatagal na prusisyon na umabot ng 22 oras.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 86,296 total reads

 86,296 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 163,924 total reads

 163,924 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 197,372 total reads

 197,372 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 232,670 total reads

 232,670 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 455,805 total reads

 455,805 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 298,773 total reads

 298,773 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 409,541 total reads

 409,541 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top