175 total views
Mapayapa ang paglalarawan ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad sa kanyang naging unang pasko at pagsalubong ng bagong taon sa kanyang bagong Arkidiyosesis kumpara sa kanyang dating pinamunuang Prelatura ng Isabela de Basilan.
Pagbabahagi ng Arsobispo, kung pagbabatayan ang katiyakang pangseguridad ay mas payapa at malaya ang sitwasyon sa Ozamis kung ihahambing sa pangambang hatid ng kaguluhan at bakbakan sa Basilan.
“Dito po sa Ozamis very peaceful and then hindi katulad sa Basilan na stressful, in terms of walang mga tensions and then yung you think twice pupunta ka sa ibang lugar so you have to think twice what to do kasi of the peace and order, pero dito you can really move freely and then okay talaga less stressful dito sa Ozamis…” pahayag ni Archbishop Jumoad sa panayam sa Radyo Veritas.
Bukod dito, nagpaabot rin si Archbishop Jumoad ng isang panawagan ng pakikipagtulungan sa pamahalaan upang mapatatag ang moralidad ng mga mamamayan.
Paliwanag ng Arsobispo, malaki ang tungkuling ginagampanan ng Simbahan upang mapanatili ang tamang direksyong tinatahak ng isang bansa lalo na kung magiging maganda ang relasyon ng Simbahan at ng pamahalaan.
“I hope the government will listen to the church in terms of what to do in order to have a peaceful Philippines kasi kailangan yung morality if the government will not listen to the church then I think we are move to darkness. Very important yung the President has to listen also to the advice of the religious leaders because a country that does not have God is a country that has nowhere to go…”panawagan ni Archbishop Martin Jumoad.
Kaugnay nito, sa kabila ng umiiral na Separation of Church and State sa bansa ay nananaig pa rin ang kulturang relihiyoso sa bansa lalo na’t higit sa 80.6 na porsiyento sa kabuuang populasyon ng Pilipinas ay mga Katoliko.
Base sa tala ng National Statistics Office noong 2010 kung saan nasa higit 74 na milyon ang mga Pilipinong Katoliko.