Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Virac, shelter rehab ang focus

SHARE THE TRUTH

 209 total views

Isusumite na ngayong araw ng Diocese of Virac sa Catanduanes sa mga charity group ng Simbahan ang data na nakalap sa kanilang assessment sa mga nasira ng Bagyong Nina sa mga lugar na nasasakupan nito.

Ayon kay Rev. Fr. Renato dela Rosa, social action center director ng diocese, ito ay upang maibahagi na ang mga tulong na ibibigay ng ibat-ibang grupo para sa rehabilitasyon ng mga nasira ng bagyo.

Dagdag ni Fr. Dela Rosa, sa kanilang assessment nasa mahigit 4,000 mga bahay ang nasira ng Bagyong Nina sa anim na bayan ng San Andres, San Miguel, Virac, Bato, Gigmoto at Caramoran sa Catanduanes.

Pahayag ng pari, focus ang Simbahan sa rehabilitasyon sa mga nasira ng pinakahuling bagyo ng 2016 gaya ng pagbibigay ng materyales sa pagpapagawa ng mga bahay na nasira.

Ayon kay Fr. Dela Rosa, ito ay dahil dagsa naman ang relief distribution sa mga naapektuhan ng kalamidad mula sa ibat-ibang institusyon kabilang na ang Simbahan.

“Nasa mahigit 4,000 bahay ang nasira ng bagyo sa anim na bayan sa Catanduanes, so patuloy ang assessment and baka now ma-isubmit na naming ngayong araw ang result…sa relief goods, di na kami gaano nga focus dahil dagsa naman ang mga tulong kaya ang intervention ng lokal na Simbahan ng Diocese of Virac ay sa shelter rehabilitation ng mga nasalanta ng bagyo.

Kaugnay nito, bagamat nagpadala na ng pinansyal na tulong ang Archdiocese of Manila sa pamamagitan ng Caritas Manila sa mga biktima ng bagyo, hindi pa rin ito natatanggap dahil sira pa rin ang mga pasilidad sa mga bangko sa Diocese of Virac.

“So far hindi pa namin na check ang bangko dito, sira sira kasi ang pasilidad ng mga bangko maliban pa sa walang kuryente at holiday ng ilang araw,” pahayag ni Fr. Dela Rosa.

Una ng tumugon ang Archdiocese of Manila sa pamamagitan ng Caritas Manila sa apelang tulong ng Archdiocese of Nueva Caceres, Diocese of Legazpi at Diocese of Virac na matinding napinsala sa pananalasa ng bagyong Nina kung saan sa Virac P500,000 ang ibinahaging halaga ng tulong.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 4,890 total views

 4,890 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 21,477 total views

 21,477 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 22,846 total views

 22,846 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 30,533 total views

 30,533 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 36,037 total views

 36,037 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Disaster News
Veritas Team

Church In Action: Nasaan ang Simbahan?

 8,521 total views

 8,521 total views Abala ang mga TVET scholar ng Don Bosco Mandaluyong sa “face shields” na panlaban sa patuloy na pagkalat ng COVID-19 sa buong Pilipinas.

Read More »
Disaster News
Veritas Team

Panganib sa pagsabog ng Taal, nananatili

 7,745 total views

 7,745 total views Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na mapanganib pa rin at nanatili ang banta ng malakas na pagsabog ang bulkang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top