Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

US President Trump, dapat kilalanin ang dignidad ng immigrants

SHARE THE TRUTH

 174 total views

Hinimok ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People si US President Donald Trump na kilalanin ang naiiaambag ng mga immigrant sa paglago ng ekonomiya ng Estados Unidos.

Umaasa si Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng kumisyon na makita nawa ng ika – 45 pangulo ng Amerika na ang mga migrante ay hindi nila katunggali o banta sa kanilang bansa kundi katuwang nila sa pagsusulong ng seguridad at kapayapaan.

“While we view with concern US President-elect Trump’s campaign pronouncements on immigrants we hope that he will be given the grace to see the larger picture and recognize and realize the huge contribution of immigrants to the progress and development of his country and that he will not see them all as threats but as partners in promoting security and peace,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Inihalimbawa ni Bishop Santos ang halos 15 milyong Overseas Filipino Workers o OFWs na nagsusulong ng kapayapaan, may pinag – uugatang malalim na pananampalataya at kultura bilang isang mabuting residente.

Ipinagmalaki rin ni Bishop Santos ang mabuting katangian ng mga Pilipino bilang mga mabuting residente sa mga bansa lalo kung sila ay tina – tratong mabuti at nirerespeto ang kanilang dignidad.

“Filipinos especially are peace loving and respectful and have traditions of deep faith and culture that make them good residents, workers and collaborators of their host countries especially when they are treated fairly and with respect and dignity,” giit pa ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Magugunitang naunang tinawag ni Trump na mga terorista at hayop ang mga Pilipino sa konteksto ng paghihigpit ng immigration policies ng Estados Unidos kung saan 11 milyon ang bilang ng mga immigrants na halos mula sa Asya.

Nabatid rin na matapos rin na si Trump ang nanalo, dumami ang mula sa Amerika ang nagnanais na kumuha ng immigration visa sa New Zealand at Canada.

Nauna na ring hinimok ng kanyang Kabanalan Francisco ang mga lider sa buong mundo na buksan ang kanilang mga bansa sa mga migranteng naghahanap ng opurtunidad sa kanilang buhay at pamilya.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,694 total views

 69,693 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 77,469 total views

 77,468 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,649 total views

 85,648 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 101,261 total views

 101,260 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 105,204 total views

 105,203 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 89,556 total views

 89,556 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 86,126 total views

 86,126 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 32,785 total views

 32,785 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 32,796 total views

 32,796 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 32,800 total views

 32,800 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top