Simbahan, patuloy na tututulan ang nuclear plants

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 483 total reads

Hindi magbabago ang paninindigan ng buong Bataan maging ng Simbahang Katolika laban sa binabalak na rehabilitasyon ng Bataan Nuclear Power Plant ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Balanga Bataan bishop Ruperto Santos, hindi kailanman nila pahihintulutan na masira ang kalikasan at ang kinabukasan ng mamamayan dahil lamang sa proyekto na itinayo na puno ng katiwalian.

Dagdag ng obispo, kapit—bisig ang pamahalaan ng Bataan, ang Simbahan at ang mamamayan para labanan ang nasabing balakin.

“Simulat-sapul ang Diocese of Balanga ay tutol sa binabalak na rehabilitasyon ng Bataan Nuclear Power Plant at kahit sabi sa taas na bubuksan o hindi, hindi magbabago ang aming pasya at hatol na kami ay tutol at gagawa kami ng hakbang para hindi ito matuloy, ang buong Bataan, pamahalaan, ang Simbahan at mamamayan lahat kami ay tutol, noong naglagay kami ng mga tarpaulin sa mga Simbahan tungkol sa pagtutol ang lahat ay kasama namin sa ating adhikain,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Inisa isa rin ng obispo kung bakit mariin ang pagtutol ng mga taga Bataan sa BNPP na nakatayo sa isang bulkan at ginawa ang proyekto ng puno ng katiwalian ng nagdaang rehimeng Marcos at wala man lamang pag-aaral at pag-sang-ayon ng publiko.

“Ang BNPP ay nakatayo sa isang bulkan na active sa Morong. Noong 1972 ito ay itinayo ng walang pag-aaral at walang pagsang-ayon ng tao, hindi nila tiningnang mabuti na may bulkan doon, itinayo ito para lamang sa katiwalian na bilyong dolyar ang ginastos,” ayon pa sa obispo.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Bishop Santos na kung ililipat ang nuclear plant sa ibang lalawigan, makikipagtulungan sila sa lugar para tutulan ang proyekto.

Suhestiyon ng obispo sa pamahalaan, sa halip na nuclear dapat maglagak ng puhunan sa enerhiya sa pamamagitan ng araw, hangin at tubig.

“Maraming bagay na magkakaroon tayo ng enerhiya na hindi panganib sa ating bansa, ang araw, hangin at tubig ay maaring maging malakas na daluyan ng source ng enehiya, dapat tingnan ang lahat ng katabing bansa natin tumitigil na sa paggamit ng nuclear tulad ng Vietnam, Taiwan at ngayon nga ang Japan, bakit pa bubuhayin ang patay na alam natin na magdudulot sa atin ng kamatayan na itinayo lamang dahil sa katiwalian,” ayon pa kay Bishop Santos.

Una ng inihayag ng Department of Energy na pinag-aaralan na nila ang mga nuclear policy kaugnay ng bagong development sa teknolohiya sa usapin ng pagpapatatag ng supply ng kuryente sa bansa.

Nasa $2.3-bilyon ang nagastos sa pagtatayo ng BNPP na itinayo noong 1972 dahil sa kakulangan ng supply ng langis noong 1970’s.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 79,410 total reads

 79,410 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 181,396 total reads

 181,396 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 218,184 total reads

 218,184 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 248,759 total reads

 248,759 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 293,898 total reads

 293,898 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 191,933 total reads

 191,933 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 341,513 total reads

 341,513 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top