Vaccination program ng pamahalaan kontra COVID-19, apektado ng laganap na fake news

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 609 total views

Nababahala si NASSA/Caritas Philippines board member at Archdiocese of Cotabato Social Action Director Rev. Fr. Clifford Baira sa lakas ng paglaganap ng fake news maging sa malalayong nayon at lugar ay madaling naaabot nito.

Ayon kay Fr. Baira, nakakalungkot na ang maling impormasyon ay nakakapasok maging sa mga nasa kabundukan at liblib na lugar.

“Iyon truth ay parang pagong pero kapag fake news nakaka-abot hanggang bundok mas malakas ang takbo ng fake news kumpara sa kung ano ang katotohanan.”pahayag ni Fr. Baira sa panayam ng Radyo Veritas.

Inihayag ng Pari na ang paglaganap ng fake news ay malaking suliranin lalo na sa kampanya laban sa pandemya at mga programa upang wakasan ito gaya ng pagpapabakuna.

“Ang dami talaga doubts at fear dahil sa fake news” pahayag ni Fr. Baira sa panayam ng Radyo Veritas.

Umaasa ang Pari na sa pagtutulungan ng mga kinauukulan at mga eksperto sa larangan ng medisina ay maibaba ang tamang impormasyon lalo na sa mga nasa nayon at mga liblib na lugar.

Tiniyak ni Fr. Baira na nakahanda ang Simbahan at mga Parokya sa mga lalawigan na makipagtulungan upang maipahatid ang katotohanan lalo na sa mga mahahalagang usapin sa ating bansa.

“Hopefully ma-cascade ito pababa dahan-dahan para more or less magkaroon ng immediate impact sa grounds” dagdag pa ng bagong halal na Board member ng Caritas Philippines.

Magugunitang nagsimula na ang roll out ng vaccination ng iba’t-ibang LGU’s para sa mga nasa A4 category o yun mga lumalabas ng tahanan para pumasok sa kani-kanilang mga trabaho.

Batay sa datos, umaabot pa lamang sa 4 na porsyento mula sa mahigit 110-milyon populasyon ng Pilipinas ang nabakunahan ng unang dose habang nasa 1.4 percent ang nakatanggap na ng 2 shots o yung tinatawag na ‘fully vaccinated’.

Sa survey na inilabas ng Social Weather Station 1/3 lamang ng 1,200 Pilipino ang pumapayag na magpabakuna sa kabila ng mga impormasyon at pagpapaliwanag na ginagawa ng pamahalaan sa idudulot nito upang wakasan ang suliranin sa Covid19.

Unang nanawagan ang ilang mga Obispo sa Pilipinas at mga lider ng Simbahang katolika na magpabakuna ang mga mananampalataya upang labanan ang pandemya.

Links:

https://www.veritas846.ph/mamamayan-muling-hinimok-na-magpabakuna-laban-sa-covid-19/ https://www.veritas846.ph/sinovac-vaccine-walang-adverse-side-effects-bishop-bagaforo/ https://www.veritas846.ph/mamamayan-hinimok-ng-radio-veritas-na-magpabakuna-laban-sa-covid-19/

Sa inilabas na pahayag ng Vatican kaugnay sa pagpapabakuna, sinasabi nito na maituturing itong “Morally Acceptable” at maging si Pope Francis ay una na ding sumailalim dito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 89,430 total views

 89,430 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 89,430 total views

 89,430 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 89,430 total views

 89,430 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 86,735 total views

 86,735 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 79,212 total views

 79,212 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 69,358 total views

 69,358 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top