311 total views
Kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kabayanihan ng mga marinong Filipino na sumagip sa mga refugees sa Mediterranean Sea.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos ng CBCP – migrants ministry at Bishop promoter ng Stella Maris Philippines, kahanga-hanga ang ginawa ng mga Filipino seafarer na pinairal ang pagiging matulungin sa kabila ng mapanganib na sitwasyon.
“We have to be thankful and appreciate the serving and saving deeds of all Filipino crew of MV Fleur who rescued 86 Egyptian refugees drifting in Mediterranean seas along Livorno. With their heroic actions once again, we have shown to the whole world the true face of the Filipinos, that is, helpful, hardworking and dependable in time of needs and distress,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Naunang nag-viral ang social media post ni Mykel Angelo Genilo, isa sa mga crew ng MV Fleur N na nagsagawa ng rescue operations sa Mediterranean Sea noong Hunyo 7, 2021.
Inilahad ni Genilo na nakatanggap ng impormasyon ang kanilang barko mula sa Augusta Italian Coastal Navy na may madadaanan itong barkong palutang-lutang na patungong Italya.
Sa pahayag ni Genilo sa social media, sinabi nitong “given any situation may chance na tumulong, go lang ng go, without any doubt, because helping one person might not change the whole world, but it could change the world for one person.”
Lulan ng barko ang 86 na mga refugees mula Egypt patungong Italy upang maghanap ng trabaho subalit nasira ang makina ng barko dahilan upang magpalutang-lutang ng ilang araw sa karagatan.
Binigyang diin ni Bishop Santos na dapat maipagmamalaki bilang Filipino ang kabayanihang ginawa ng mga marino.
“Your kind gestures you make our country proud of you. They are, our seafarers, our modern-day heroes. They serve us and they save lives whoever and wherever they are,” giit ni Bishop Santos.
Tiniyak ni Bishop Santos ang patuloy na pananalangin at pag-alay ng mga Misa ng Stella Maris Philippines para sa kaligtasan at kalusugan ng bawat marino na patuloy naghahanapbuhay sa karagatan.