Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Vaccination program ng pamahalaan kontra COVID-19, apektado ng laganap na fake news

SHARE THE TRUTH

 443 total views

Nababahala si NASSA/Caritas Philippines board member at Archdiocese of Cotabato Social Action Director Rev. Fr. Clifford Baira sa lakas ng paglaganap ng fake news maging sa malalayong nayon at lugar ay madaling naaabot nito.

Ayon kay Fr. Baira, nakakalungkot na ang maling impormasyon ay nakakapasok maging sa mga nasa kabundukan at liblib na lugar.

“Iyon truth ay parang pagong pero kapag fake news nakaka-abot hanggang bundok mas malakas ang takbo ng fake news kumpara sa kung ano ang katotohanan.”pahayag ni Fr. Baira sa panayam ng Radyo Veritas.

Inihayag ng Pari na ang paglaganap ng fake news ay malaking suliranin lalo na sa kampanya laban sa pandemya at mga programa upang wakasan ito gaya ng pagpapabakuna.

“Ang dami talaga doubts at fear dahil sa fake news” pahayag ni Fr. Baira sa panayam ng Radyo Veritas.

Umaasa ang Pari na sa pagtutulungan ng mga kinauukulan at mga eksperto sa larangan ng medisina ay maibaba ang tamang impormasyon lalo na sa mga nasa nayon at mga liblib na lugar.

Tiniyak ni Fr. Baira na nakahanda ang Simbahan at mga Parokya sa mga lalawigan na makipagtulungan upang maipahatid ang katotohanan lalo na sa mga mahahalagang usapin sa ating bansa.

“Hopefully ma-cascade ito pababa dahan-dahan para more or less magkaroon ng immediate impact sa grounds” dagdag pa ng bagong halal na Board member ng Caritas Philippines.

Magugunitang nagsimula na ang roll out ng vaccination ng iba’t-ibang LGU’s para sa mga nasa A4 category o yun mga lumalabas ng tahanan para pumasok sa kani-kanilang mga trabaho.

Batay sa datos, umaabot pa lamang sa 4 na porsyento mula sa mahigit 110-milyon populasyon ng Pilipinas ang nabakunahan ng unang dose habang nasa 1.4 percent ang nakatanggap na ng 2 shots o yung tinatawag na ‘fully vaccinated’.

Sa survey na inilabas ng Social Weather Station 1/3 lamang ng 1,200 Pilipino ang pumapayag na magpabakuna sa kabila ng mga impormasyon at pagpapaliwanag na ginagawa ng pamahalaan sa idudulot nito upang wakasan ang suliranin sa Covid19.

Unang nanawagan ang ilang mga Obispo sa Pilipinas at mga lider ng Simbahang katolika na magpabakuna ang mga mananampalataya upang labanan ang pandemya.

Links:

https://www.veritas846.ph/mamamayan-muling-hinimok-na-magpabakuna-laban-sa-covid-19/ https://www.veritas846.ph/sinovac-vaccine-walang-adverse-side-effects-bishop-bagaforo/ https://www.veritas846.ph/mamamayan-hinimok-ng-radio-veritas-na-magpabakuna-laban-sa-covid-19/

Sa inilabas na pahayag ng Vatican kaugnay sa pagpapabakuna, sinasabi nito na maituturing itong “Morally Acceptable” at maging si Pope Francis ay una na ding sumailalim dito.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 11,235 total views

 11,235 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 25,195 total views

 25,195 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 42,347 total views

 42,347 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 92,763 total views

 92,763 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 108,683 total views

 108,683 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 31,266 total views

 31,266 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 44,558 total views

 44,558 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top