Social communicators, hinimok na maging tagapagbuklod ng mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,334 total views

Hinimok ni Radio Veritas President at CEO na si Fr. Roy Bellen ang mga lingkod ng social communications ng Archdiocese of Manila na maging tagapagbuklod ng mamamayan sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan at pag-asa.

Ito ang mensahe ng pari sa pagtatapos ng tatlong araw na Media Camp 2026 na ginanap sa St. Michael Retreat House sa Antipolo City mula May 22 hanggang 24 kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pentekostes.

Ayon kay Fr. Bellen, mahalagang gamitin ng mga nasa larangan ng media at social communications ang kanilang kakayahan upang magbigay-buhay at inspirasyon sa kapwa.

“We are given life, the breath of the Holy Spirit; tayo rin sana ay makapagbigay ng buhay sa iba,” pahayag ni Fr. Bellen sa Radio Veritas.

Binigyang-diin din ng pari ang mahalagang papel ng mga social communicators sa gitna ng umiiral na pagkakahati-hati sa lipunan.

“It’s a time for us, hindi para po magkampihan; it’s a time for us to unite people. And there is no other way to be united but by being behind the truth,” ani Fr. Bellen.

Pinaalalahanan din ng pari ang mga media ministers na ang layunin ng pagpapahayag ng katotohanan ay hindi upang manira o manghiya ng kapwa kundi upang maitaguyod ang pagkakaisa.

“Tayo po ay nagpapahayag ng katotohanan, not para gumanti, para magpahiya sa tao, kundi para lumabas ang katotohanan and hopefully, tayo pong lahat ay magkaisa,” dagdag pa ng pari.
Kinilala rin ni Fr. Bellen ang mahalagang ambag ng mga nasa likod ng kamera at mga nasa larangan ng komunikasyon bilang mga instrumento ng Simbahan sa pagpapalaganap ng katotohanan at pag-asa.

Pinangunahan din ni Fr. Bellen ang commissioning ng mga delegado bilang hamon na higit pang paigtingin ang misyon ng mga media ministers sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita, lalo na sa digital continent.

Dinaluhan ang Media Camp ng 55 lingkod ng Social Communication Ministry mula sa iba’t ibang parokya ng Archdiocese of Manila bilang bahagi ng pagpapatibay sa kanilang kakayahan sa media, komunikasyon, at ebanghelisasyon.

Pinagnilayan sa pagtitipon ang tema ng 60th World Day for Social Communications na “Preserving Human Voices and Faces,” kung saan tinalakay ni Fr. Bellen ang mensahe ni Pope Leo XIV.

Tampok din sa tatlong araw na Media Camp ang iba’t ibang workshop para sa pagpapaigting ng kakayahan ng mga media ministers sa gawaing ebanghelisasyon sa digital platforms.

Kabilang sa mga nagbahagi ng workshop sina Art Samaniego sa paksang “Cybersecurity and Scams,” Jonathan Montes para sa “Basic Voice Acting Workshop,” at Amelia Canlas para sa “Basic Acting and Hosting Workshop and Their Role in Christian Communication.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 17,313 total views

 17,313 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 50,395 total views

 50,395 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 78,746 total views

 78,746 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 146,476 total views

 146,476 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 168,272 total views

 168,272 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top