Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Karahasan at pagbabago

SHARE THE TRUTH

 210 total views

Mga Kapanalig, inako ng Communist Party of the Philippines (o CPP) at ng armadong sangay nito na New People’s Army (o NPA) ang pagkamatay ng 21-taóng gulang na football player ng Far Eastern University na si Keith Absalon at ng kanyang pinsan habang nagbibisikleta sa isang barangay sa Masbate. Namatay ang magpinsan nang sumabog ang isang improvised explosive device na itinanim ng NPA. Humingi ng paumanhin ang CPP sa pamilya ng mga biktima at sa sambayanang Pilipino para sa nangyaring trahedya.

Ngunit ayon sa mga kaanak at batay na rin sa mga nakuhang larawan sa mga biktima, may mga bakas ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang magpinsan. Ito—at hindi ang sumabog na bomba—ang pinaniniwalaan nilang naging dahilan ng pagkamatay ni Keith at ng kanyang pinsan. Inaalam pa rin sa imbestigasyon kung ito nga ba ang naging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Ayon sa Commission on Human Rights (o CHR), labag sa tinatawag na International Humanitarian Law ang paggamit ng anti-personnel landmine gaya ng ginawa ng NPA. Maliban sa nakapipinsala o nakamamatay ang mga ito, lubhang delikado ito dahil maging ang mga inosenteng walang kinalaman sa tunggalian sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at mga rebeldeng grupo ay nadadamay, katulad nga ng nangyari kina Keith at sa kanyang pinsan.

Sa tala ng Armed Forces of the Philippines (o AFP), may mahigit 1,500 kaso ng paglabag sa karapatang pantao ang mga komunistang rebelde nitong huling sampung taon. Kasama raw sa mga ito ang mga batang dinukot upang gawing batang mandirigma o child warriors ng NPA. Kasama sa mga kasong sinasabing gawa ng NPA ay ang halos 300 insidente ng sadyang pagpatay na humantong sa pagkamatay ng mahigit 370 katao, kapwa militar at mga sibilyan. Hindi biro ang dami ng mga kasong ito, at marapat lamang na hanapin ang katotohanan upang mapanagot ang dapat managot.

Ang International Humanitarian Law (o IHL) ay mga panuntunang layong limitahan ang epekto ng mga armadong tunggalian o armed conflict. Inilalatag ng mga ito ang pananagutan ng mga estado at mga non-state armed groups, katulad ng NPA, sa isang nagpapatuloy na armed conflict. Kasama sa mga pananagutang ito ang pagtiyak na hindi mapapahamak ang mga sibilyan. Sa kabila nito, patuloy ang mga paglabag sa IHL. Patunay ang mga panuntunang ito ng kabiguan nating iwasan ang karahasan at pairalin ang mapayapang paglutas sa mga suliranin ng ating lipunan. Nakalulungkot na maging ang mga ito ay hindi pa rin matupad ng mga nagtutunggaliang partido—kapwa ang mga rebelde at ang puwersa ng pamahalaan.

Sa Catholic social teaching na Caritas in Veritate, nagbabala si Pope Benedict XVI tungkol sa pagiging technical product lamang ng kapayapaan. Ibig sabihin nito, ang kapayapaan ay nagiging bunga lamang ng mga kasunduan at panuntunan sa pagitan ng mga pamahalaan—isama na natin ang mga itinuturing na kalaban ng estado. Ngunit upang maging pangmatagalan at tunay ang kapayapaang uusbong sa mga kasunduang ito, kailangang nakabatay ang mga ito sa mga pagpapahalaga o values na nakaugat naman katotohanan ng buhay ng tao. Sa madaling salita, makakamit natin ang tunay na kapayapaan kung unang-una nating itinataguyod ang buhay at dignidad ng tao. Huwad ang kapayapaang ang tanging layunin ay isulong ang isang ideolohiya o ang interes ng mga nasa poder.

Mga Kapanalig, mapanghamon ang pagkilos para sa kapayapaan. Ngunit hindi ito kailanman maitatatag sa pamamagitan ng karahasan. Nagsisimula ang kapayapaan sa bawat isa sa atin, sa pagpapahalaga natin sa buhay at dignidad ng tao. Gaya nga ng paalala sa Roma 12:18, “Hangga’t maaari, gawin ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng sinuman.”

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Eat Healthy This Christmas 2024

 4,224 total views

 4,224 total views Ang panahon ng Adbiyento o Advent season ay panahon ng paghihintay, paghahanda at pasasalamat.. Kapanalig, inihahanda natin ang ating PUSO upang tanggapin ng may kagalakan ang panginoong Hesu Kristo na tumubos sa ating mga kasalanan. Pinakamahalaga sa Advent season ay ang pagkakaroon natin ng “spiritual nourishment” hindi ang kagalagakan na dulot ng mga

Read More »

Pagpapanagot kay VP Sara

 23,251 total views

 23,251 total views Mga Kapanalig, dalawang impeachment complaints na ang isinampa laban kay VP Sara Duterte sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ang impeachment ay isang legal na proseso ng pagpapatalsik mula sa puwesto ng isang lingkod bayan. Bahagi ito ng checks and balances kung saan pinananagot ng lehislatura ang mga kapwa nila lingkod-bayan sa ehekutibo at

Read More »

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 18,607 total views

 18,607 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »

Pueblo Amante de Maria

 27,317 total views

 27,317 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »

POGO’s

 36,076 total views

 36,076 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Eat Healthy This Christmas 2024

 4,225 total views

 4,225 total views Ang panahon ng Adbiyento o Advent season ay panahon ng paghihintay, paghahanda at pasasalamat.. Kapanalig, inihahanda natin ang ating PUSO upang tanggapin ng may kagalakan ang panginoong Hesu Kristo na tumubos sa ating mga kasalanan. Pinakamahalaga sa Advent season ay ang pagkakaroon natin ng “spiritual nourishment” hindi ang kagalagakan na dulot ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpapanagot kay VP Sara

 23,252 total views

 23,252 total views Mga Kapanalig, dalawang impeachment complaints na ang isinampa laban kay VP Sara Duterte sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ang impeachment ay isang legal na proseso ng pagpapatalsik mula sa puwesto ng isang lingkod bayan. Bahagi ito ng checks and balances kung saan pinananagot ng lehislatura ang mga kapwa nila lingkod-bayan sa ehekutibo at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 18,608 total views

 18,608 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pueblo Amante de Maria

 27,318 total views

 27,318 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

POGO’s

 36,077 total views

 36,077 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Culture Of Waste

 42,770 total views

 42,770 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trustworthy

 50,786 total views

 50,786 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi biro ang krisis sa klima

 45,358 total views

 45,358 total views Mga Kapanalig, natapos noong isang linggo ang ika-19 na Conference of Parties (o COP 29). Ang COP ay taunang pagpupulong ng mga opisyal ng pamahalaan ng iba’t ibang bansa, kinatawan ng mga NGOs, at eksperto mula sa mga bansang pumirma sa United Nations Framework Convention on Climate Change (o UNFCCC). Ang nagdaang COP

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maingat na pananalita

 50,828 total views

 50,828 total views Mga Kapanalig, naaalala pa ba ninyo ang isang public school teacher noon na inaresto ng National Bureau of Investigation (o NBI) dahil sa isang social media post tungkol kay dating Pangulong Duterte? Pabiro kasi siyang nag-alok ng 50 milyong piso para sa sinumang makapapatay sa dating pangulo. Walong araw lamang matapos ang post

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa simpleng selebrasyon

 42,369 total views

 42,369 total views Mga Kapanalig, Disyembre na!  Magdiriwang na tayo ng Pasko sa loob ng ilang araw, pero bago nito, malamang may mga Christmas party tayong dadaluhan sa ating opisina, organisasyon, o kahit sa ating kapitbahayan. Hindi naman Kristiyanong tradisyon ang mga party na ito, pero naging bahagi na nga ito ng pagdiriwang natin ng Pasko—sayawan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Agri transformation

 44,406 total views

 44,406 total views Ang Pilipinas ay kilala bilang isang agricultural country ngunit ilang dekada na ang problema ng bansa sa food security., Ang agri sector ay may pinakamababang kontribusyon sa gross domestic product (GDP) o ekonomiya ng bansa. Ano ang problema? Sa pag-aaral, ang agricultural sector ng Pilipinas ay hindi umuunlad dahil nahaharap ito sa problema

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong usbong na trabaho para sa Pilipino

 55,435 total views

 55,435 total views Upang maisakatuparan ito Kapanalig, isinabatas ang Green Jobs Act o Republic Act 10771 noon pang taong 2016. Ang green jobs, kapanalig, ay tumutukoy sa mga trabaho na nakakatulong sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan. Kabilang dito ang mga trabaho sa renewable energy, waste management, sustainable agriculture, at iba pang sektor na naglalayong bawasan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Political Mudslinging

 60,208 total views

 60,208 total views Kapanalig, 28-days na lamang ay Pasko na… ito ang dakilang araw ng pagkapanganak sa panginoong Hesus sa sabsaban… panahon ito ng pagmamahalan at pagbibigayan. Sa kristiyanong pamayanan, ang kapaskuhan ay nararapat na banal at masayang paghahanda sa pagdating ng panginoong Hesus… Pero, ang Pilipinas ay nahaharap matinding suliranin… Ngayong 4th quarter ng taong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buksan ang ating puso

 65,675 total views

 65,675 total views Mga Kapanalig, sa pangunguna ng papal charity na Aid to the Church in Need (o ACN), itinalaga ang araw na ito—ang Miyerkules pagkatapos ng Kapistahan ng Kristong Hari bilang Red Wednesday. Araw ito ng pag-alala sa mga Kristiyanong inuusig at pinagmamalupitan dahil sa kanilang pananampalataya. Hindi man ganoon kalaganap ang pang-uusig sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga biktima ng kanilang kalagayan sa buhay

 71,129 total views

 71,129 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, inanunsyo ni Pangulong BBM na makauuwi na ang overseas Filipino worker (o OFW) na si Mary Jane Veloso. Siya na yata ang pinakainaabangang makauwi na OFW mula nang makulong siya sa Indonesia mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Noong 2010, nahuli siya sa isang airport sa Indonesia dahil

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top