Church of the Poor

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 723 total reads

Palaging nariyan ang Simbahang Katolika para sa mga mahihirap.

Ito ang binigyang-diin ni Rev. Fr. Erik Adoviso, tagapamuno ng Commission on Social Services and Development o CSSD ng Archdiocese of Manila kaugnay sa patuloy na paglilingkod ng Simbahang Katolika para sa mga dukha at nangangailangan.

Sa programang Caritas in Action, inihayag ni Fr. Adoviso kung paano kumikilos ang kanilang mga ministry sa Arkidiyosesis ng Maynila upang maging katuwang ng mga mahihirap lalo na sa gitna ng pandemya.

Paliwanag ni Fr. Adoviso, hindi kailanman tatalikuran ng Simbahan ang mga mahihirap sapagkat isa ito sa katuruan na ipinahayag at ipinamalas sa ating ng Poong Hesukristo.

“Ang Simbahan ay malinaw na ito ang tinututukan, of course, sa Simbahan, maraming Ministry pero ito ay magkaka-ugnay tahi-tahi ito hindi ito magkakahiwalay hindi ito nilalagyan ng pader ito ay magkakasama para sa ganun maging totoo ang misyon ng Simbahan lalo na sa human development at sa ganun din naman po ang Salita ng Diyos at ang mga sinasabi sa Ebanghelyo ay makikita doon sa serbisyo ng Simbahan.” Pagbabahagi ni Fr. Adoviso.

Aminado si Fr. Adoviso na sa maraming pagkakataon ay nasusubok ang kakayanan ng Simbahang Katolika lalo na dahil sa kagustuhan nito na maabot ang maraming nangangailangan.

Aniya malaki ang maitutulong ng patuloy na suporta at pagdarasal ng mga mananampalataya upang lalo pang mapagtagumpayan ng Simbahang Katolika ang misyon nito.

“Yun po ang nagiging challenge sa atin pero nagiging opportunity din sabi nga ng isang manunulat, kung saan may paghihirap ay naroon ang Simbahan, ispirituwal man yan o materyal o pisikal nandun ang simbahan nararamdaman ng mga tao at sa pamamagitan ng Simbahan palagay ko nararamdaman kahit papapano ng mga tao na tayo ay palaging nariyan.” Paliwanag pa ng Commissioner ng CSSD sa Archdiocese of Manila.

Kaugnay nito, umaasa si Fr. Adoviso na sa tulong ng makabagong teknolohiya ay patuloy na magiging ehemplo ang Simbahang Katolika para maipamalas ang pagtulong sa kapwa.

Hinikayat niya ang mga mamamayan na tularan ang mga apostol sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita sa pamamagitan ng mga gawa at pagkilos ng Simbahan maging sa makabagong panahon.

“Nakikita at nadarama po nila kung gaano sila kamahal ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga tao na nakita at naranasan ang pag ibig ng Diyos.” Dagdag pa ng Pari.

Magugunitang ang Simbahang Katolika ang itinuturing na pinakamalaking Charitable Organization sa buong mundo.

Sa kasagsagan ng pandemya ay libo-libong pamilya ang nabigyan ng tulong ng mga Parokya at Institusyon ng Simbahang Katolika partikular na ng Caritas Manila kung saan tinatayang umabot ito sa 1.3 bilyong piso katuwang ang ilang mga pribadong sektor.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 150,035 total reads

 150,035 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 223,060 total reads

 223,060 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 256,508 total reads

 256,508 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 291,807 total reads

 291,807 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 512,516 total reads

 512,516 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 112,220 total reads

 112,220 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top