Gawing sentro ng ebanghelisasyon ang sariling pamayanan, Cardinal Advincula sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,755 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang mga mananampalataya na gawing sentro ng misyon at ebanghelisasyon ang kanilang sariling pamayanan sa gitna ng mga sugat at mga hamong kinakaharap ng lipunan.

Ito ang mensahe ng Cardinal sa pagdiriwang ng ika-10 na kapistahan ng San Felipe Neri Parish sa Taytay, Rizal kung saan binigyang-diin nito ang halimbawa ni San Felipe Neri bilang “Apostol ng Roma” na naglingkod sa sariling bayan upang maging daluyan ng espiritwal na pagbabago.

Ayon kay Cardinal Advincula, hindi kinakailangang lumayo upang maging tunay na misyonero ng Simbahan.

“Hindi natin kailangang lumayo upang maging misyonero. Ang ating tahanan, pamayanan, simbahan, at lipunan ay hitik sa mga pusong sugatan, nawawalan ng pag-asa, at naghahanap ng liwanag ni Kristo,” ayon sa pagninilay ni Cardinal Advincula.

Binigyang-diin din nito na sa gitna ng mga suliranin sa bansa at daigdig ay mahalagang maging saksi ang bawat Kristiyano ng pagkakaisa, paghilom, at muling pagsilang ng pananampalataya.

“Sa gitna ng mga pagsubok at nakalulungkot na pangyayari sa ating bansa at mundo, tayo’y tinatawagan na maging mga saksing paghilom, pagkakaisa, at muling pagsilang ng pananampalataya,” dagdag pa ni Cardinal Advincula.

Paalala rin ng arsobispo na hindi kinakailangang maging tanyag o makapangyarihan upang maipahayag ang Mabuting Balita, kundi maisabuhay ito sa pamamagitan ng simpleng kabutihan at paglilingkod sa kapwa.

“Sa simpleng kabutihan, tapat na pakikipagkapwa, at masayang paglilingkod sa araw-araw, maaari nating ihatid ang liwanag ni Kristo sa iba,” ani ng kardinal.

Samantala, ibinahagi naman ni Fr. Michael Jayson Abao, SC, kura paroko ng San Felipe Neri Parish, ang pasasalamat ng pamayanan sa biyaya ng Diyos sa loob ng sampung taon ng pagiging ganap na parokya.

“Ang aming pong parokya ay ipinagdiriwang ngayon ang ikasampung kapistahan kasi sampung taon na ang aming parokya,” pahayag ni Fr. Abao sa Radyo Veritas.

Hinimok din ng pari ang mga mananampalataya na tularan si San Felipe Neri bilang patron ng kagalakan at pag-asa sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

“Kahit na may mga pagsubok, kahit na may mga problema, kahit na may pinagdaanan, matuto rin sana tayong maging masaya,” saad ng pari.

Ang San Felipe Neri Parish sa Taytay, Rizal ay patuloy na nagsisilbing sentro ng pananampalataya at pagmimisyon sa pamayanan sa inspirasyon ng kanilang patron na kilala bilang banal ng kagalakan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 86,906 total reads

 86,906 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 120,719 total reads

 120,719 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 156,018 total reads

 156,018 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 382,288 total reads

 382,288 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 271,115 total reads

 271,115 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top