WACOM4 delegates, ipagdasal ang mga nagkakamali sa lipunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 275 total views

Ipadama ang awa ng Diyos sa mga taong nagkakamali sa lipunan.
Ito ang naging pahayag ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity sa mga foreign at local delegates sa isinasagawang 4th World Apostolic Congress on Mercy sa Pilipinas.
Binigyang diin rin ng obispo na maging daluyan nawa ng awa ang WACOM 4 upang makapagnilay ang ating mga kababayan sa mga isyu ng pagpapanumbalik ng death penalty at nangyayaring extrajudicial killings o death under investigation sa bansa.
“Dapat itong awa ng Diyos ay ipakita rin natin sa ating buhay at kailangan din ito ng ating bansang Pilipinas na parang nawawalan na ng awa sa mga taong nagkakamali yung issue natin sa impending na death penalty, yung extra – judicial killing pinapakita nito na nawawala na yung awa ng mga tao. Kaya kailangan natin itong ipaalaala na maging maawain tayo tulad n gating Ama ay maawain sa atin,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Veritas Patrol.
Kaugnay nito, nanawagan naman si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa mahigit na limang libong international at local delegates ng WACOM 4 na ipagdasal ang mga namumuno na maging mahabagin sa mga nalulong sa ipinagbabawal na gamot.
“Please also help us overcome whatever many unmerciful deeds that are being done in our country. Please pray for us we need this congress to remind us of the primacy the priority of mercy above all even in dealing with criminals as John Paul II precisely said, ‘there is no justice where there is no mercy.’ Help us to pray for our leaders to be merciful in treating even those who are afflicted with drug addiction,” panawagan naman ni Bishop Bacani sa mga delegado ng WACOM 4 mula sa panayam ng Radyo Veritas.
Nabatid na nakapagtala naman ang Social Weather Stations sa kanilang survey na 78 porsyento ng mga Pilipino ang natatakot na sila o kanilang mga kakilala ang magiging susunod na biktima ng extrajudicial killings.
Habang sa parehong pag – aaral lumabas sa kanilang survey na 85 porsyento ang kuntento sa nagpapatuloy na operasyon upang labanan ang iligal na droga.
Samantala, naging buod naman ng homilya sa opening mass ng WACOM 4 sa Manila Cathedral ni Caritas Internationalis president ng Luis Antonio Cardinal Tagle na maiparamdam ang awa at habag ng Diyos sa mga biktima ng human trafficking, prostitusyon at pagpatay dahil sa pagbebenta ng human organs.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 83,219 total views

 83,219 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 83,219 total views

 83,219 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 83,219 total views

 83,219 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 80,744 total views

 80,744 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 73,729 total views

 73,729 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 196,461 total views

 196,461 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top