Walang katumbas na halaga ang pagkasira ng kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 614 total reads

Mga Kapanalig, nabalitaan ninyo marahil ang tungkol sa planong pagtatayo ng isang underwater theme park sa probinsya ng Palawan. Kayo po ba ay natuwa at na-excite sa bagong pasyalang ito?

Inanunsyo ang theme park na ito noong nakaraang linggo ng kumpanyang Viacom, ang may-ari ng kilaláng children’s television network sa Amerika na Nickelodeon. Ang theme park ay itutulad sa sikat nitong palabas kung saan ang mga tauhan ay mga makukulay na lamang-dagat. Ayon sa kumpanya, ang proyekto ay magbibigay ng pagkakataon sa mga sumusubaybay sa palabas, lalo na ang mga bata, na makita ang mga pinagbatayan ng kanilang mga paboritong cartoon characters. Dagdag pa ng kumpanya, isusulong ng theme park ang pangangalaga sa karagatan.

Gaya ng inaasahan, mariing binatikos ng mga environmentalists ang planong theme park. Kabaligtaran daw ng mga binanggit na layunin ang magiging bunga ng ipapatayong pasyalan. Sa unang press release ng Viacom, sinabi nilang mahigit 400 na ektarya ang kabuuang sukat ng theme park, isang undersea development na may kasamang mga kainan at pahingahang nakalubog nang anim na metro o dalampung talamapakan sa ilalim ng dagat. Giit ng mga tutol sa proyekto, sisirain at guguluhin ng pagtatayo ng mga artipisyal na istruktura ang naturál na daloy ng buhay sa mga dagat ng Palawan. Matapos ang ilang araw na ingay ng isyu sa social media, nilinaw ng local partner ng Viacom na ang mga istruktura ay itatayo sa lupa at ang tema lamang ang “underwater.”

Kilalá ang Palawan, hindi lamang sa ating bansa ngunit maging sa buong mundo. Matatagpuan dito ang Puerto Princesa Subterranean River National Park at Tubbataha Reefs Natural Park, na parehong kabilang sa UNESCO World Heritage Sites. Bukod dito, marami ring dinarayong beaches at kagubatan sa Palawan na patunay na hitik ang likas yaman na matatagpuan sa lalawigang ito. Ang isla ng Palawan nga po ang tinaguriang “last frontier” ng Pilipinas. Handa ba nating isakripisyo ang mga biyayang ito para sa sinasabing kaunlaran?

Ang dangal ng sangnilikha ay isinusulong ng mga panlipunang katuruan ng ating Simbahan. Ipinaalala sa ating mga mananampalataya ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan, kasama ang mga karagatan at ang lahat ng nabubuhay rito. Sa Centesimus Annus, sinabi ni St John Paul II na bagama’t binigyan tayo ng ating Diyos ng kakayahan at kalayaang pakinabangan ang Kanyang mga biyaya, anumang pagbabago ang gawin natin sa ating kapaligiran at sa kalikasan ay dapat na nakatuon sa layuning una at tunay na itinakda ng Diyos na lumikha ng lahat. Ang kalikasan ay hindi nilikha para sa kapakinabangan ng iilan o para sa interes ng mga may kapangyarihan at may pera. Ang kalikasan ay ipinagkaloob sa atin upang mamuhay tayo nang matiwasay at pagbahaginan ang biyayang dala nito sa lahat. Sa kalikasan natin namamalas ang pag-ibig ng Tagapaglika. Kung sa paghahangad ng kaunlaran ay nasisira natin ang ating kalikasan, hindi lamang tayo nagiging mga pabayang tagapamahala ng sangnilikha, nagiging instrumento rin tayo upang manaig ang kawalan ng katarungan sa lipunan.

Gaya nang sinabi ni Pope Francis sa kanyang encyclical na Laudato Si, ang pangangalaga sa kalikasan ay nangangailangan ng isang uri ng pagtanaw sa kinabukasan, sa maaaring maging bunga ng anumang gawain sa susunod na salinlahi. Hindi natin ito maaasahan sa mga taong ang tanging hangad ay magkamal ng malaking kita. Mas malaki kaysa sa maaaring kitain ng tao ang pinsalang dala ng kawalan natin ng pagpapahalaga sa ating kalikasan. Hindi na maibabalik ang nasirang kalikasan, ang mga namatay na hayop at halaman, at walang katumbas na halaga ang pagkawalang ito. Kung mananahimik tayo sa harap ng pagkasira ng ating kalikasan para lamang sa sinasabing kaunlaran, ipinapasa natin sa kasalukuyan at susunod na henerasyon ang masamang bunga ng pagkasira ng kalikasan.

Sumainyo ang katotohanan.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 69,257 total reads

 69,257 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 147,895 total reads

 147,895 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 181,343 total reads

 181,343 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 216,640 total reads

 216,640 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 440,351 total reads

 440,351 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 69,258 total reads

 69,258 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 147,896 total reads

 147,896 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 181,344 total reads

 181,344 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 216,641 total reads

 216,641 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top