Caritas Philippines, mananatiling tagapagpadaloy ng Awa at Habag sa mga biktima ng kalamidad

SHARE THE TRUTH

 182 total views

Tiniyak ni Caritas Philippines Chairman, Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona na patuloy na ipadarama ng Simbahan ang awa ng Diyos lalo na sa panahon ng kalamidad at paghihirap.

Ang pahayag ay kasabay ng isinasagawang 4th World Apostolic Congress of Mercy o WACOM 4.

Sinabi ni Archbishop Tirona, kanilang ipinamamalas ang Awa ng Diyos hindi lamang sa pagtugon sa pangangailangan ng mga nakakaranas ng kalamidad kundi maging sa pagpapalawig ng mga programa na naglalayon palakasin ang kakayanan at kaalaman ng mga mahihirap.

“Ginagawa natin to bilang tugon sa panawagan ng Santo Papa na practice ng corporal o spiritual works of mercy kami sa NASSA talagang yun naman ang aming layunin na ipahayag ang kongkretong awa ng Diyos sa pamamagitan ng pagtulong hindi lamang sa panahon ng sakuna kundi maging sa pagbibigay natin ng empowerment o kakayahan ng mga dukha na tumayo sa sarili nila sa pamamagitan ng iba’t ibang programa,” pahayag ni Archbishop Tirona.

Naniniwala din ang arsobispo na ang Awa ng Diyos ay pinararamdam ng Simbahan sa pamamagitan ng paglapit kay Kristo, pakikiisa sa buhay ng mga dukha at pagpapalaganap ng kabutihan.

“Ginagawa natin to, una sa pamamagitan ng paglapit kay Kristo o Intimacy, Ikalawa sa pagbababad ng Simbahan sa buhay ng mga mahihirap o Immersion at Ikatlo sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kabutihan at mabuting gawa,” dadag pa ng Arsobispo ng Caceres, Camarines Sur.

Sa pag-aaral ng the Human Cost of weather related Disasters, lumalabas na ang Pilipinas ang ika-apat na bansa na pinakamadalas makaranas ng mga kalamidad sa nakalipas na dalawang dekada dahilan upang patuloy na maghirap ang maraming mga Pilipino na naaapektuhan nito.

Ang WACOM4 ay isinasagawa sa Pilipinas simula Enero 16-20, kung saan may limang libo delegado ang dumalo kabilang na dito ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang mga bansa

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 3,337 total views

 3,337 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 41,147 total views

 41,147 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 83,361 total views

 83,361 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 98,892 total views

 98,892 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 112,016 total views

 112,016 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 15,279 total views

 15,279 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 28,760 total views

 28,760 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 42,052 total views

 42,052 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top