Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Walang waldas sa Bagong Pilipinas?

SHARE THE TRUTH

 100,122 total views

Mga Kapanalig, “sa Bagong Pilipinas, walang waldas.” 

Bahagi ito ng talumpati ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr sa Bagong Pilipinas concert na ginagap sa Quirino Grandstand noong isang linggo. Tinatayang nasa apat na raang libo ang dumalo sa concert, kabilang ang mga kawani ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Naroon din siyempre ang mga tagasuporta ni PBBM, ngunit may mga pumunta rin para makatanggap ng serbisyo ng gobyerno. 

Layunin ng concert na ilunsad at kumalap ng suporta sa isinusulong ng administrasyong Marcos na “Bagong Pilipinas.” Ang Bagong Pilipinas ay isang pangako ng kasalukuyang administrasyon upang isulong ang mga repormang magbabalik sa tiwala ng taumbayan sa pamahalaan at maghahatid ng mga serbisyo at tulong sa bawat Pilipino. Ito raw ang “brand of governance and leadership” ni Pangulong BBM—isang pamamahalang may prinsipyo, may pananagutan, at maaasahan.  

Para kay Presidential Communications Office (o PCO) Director Cris Villonco, sa bigat ng importansya ng ideyang ito, “deserve nito ng ganito kalaking megaphone.” Hindi raw sapat ang press release o executive order para ipaalam ito sa mga kawani ng gobyerno at sa taumbayan. Dagdag pa niya, “Kailangan itong ipagsigawan para ma-absorb sa mga kaluluwa ng Pilipino kasi lahat tayo magpa-participate dito.” 

Ngunit alam n’yo ba kung magkano ang ginastos ng pamahalaan para sa malaking “megaphone” na ito? 

Batay sa purchase documents na nakalap ng Rappler, gumastos tayo ng 15.9 milyong piso para sa pagrenta ng technical equipment. Kasama rito ang speakers, microphones, at LED wall panels na ginagmit sa concert. Umabot naman sa 7.59 milyong piso ang ginastos para sa mga tokens na ipinamigay sa mga tao katulad ng mga jacket, bag, at tumbler. Sa kabuuan, gumastos tayo ng halos 24 milyong piso para sa Bagong Pilipinas concert. Hindi pa kasama rito ang ginastos sa fireworks at ang ibinayad sa performers. Depensa ni PCO Undersecretary Gerard Baria, karamihan daw sa performers ay boluntaryo nag-alok ng kanilang talento at hindi nagpabayad. May donasyon din daw na natanggap ang gobyerno mula sa pribadong sektor.

Sa mga panlipunang turo ng Simbahan, malinaw na tungkulin ng pamahalaang pangasiwaan nang tama at maayos ang kaban ng bayan. Bilang mga lingkod-bayan, dapat isinasaalang-alang ng ating mga lider ang kabutihang panlahat o common good sa bawat paggasta sa pera ng taumbayan. Dapat masinop at nakatuon sa pagtataguyod sa interes ng taumbayan ang paggastos ng gobyerno. Sa madaling salita, taumbayan ang dapat na nakikinabang sa kanilang pera, hindi ang personal na interes o pagpapabango ng pangalan ng mga nasa pamahalaan. Paano tayo nakinabang sa isang concert?

Kung kukwentahin, maraming maaaring mapakinabangan ang mahihirap na Pilipino sa naging kabuuang gastusin sa concert. Halimbawa, apatnapung socialized housing units na sana ito para sa mga maralitang walang tahanan. Makabibili ang badyet na ginamit sa concert ng siyam na modern jeepneys para sa mga tsuper na mawawalan ng trabaho dahil sa PUV modernization program. Ngunit sa halip na ilaan ang badget para sa mga programang direktang makikinabang ang taumbayan, napunta ito sa concert. Bagamat maganda ang mensahe ng Bagong Pilipinas, sinalungat ito ng magarbong concert

Mga Kapanalig, hamunin natin ang ating mga lingkod-bayan ng paalala mula sa Roma 12:8, “Kung namumuno, mamuno nang buong sikap.” Walang saysay ang engrandeng concert kung hindi maipararating ang mga kagyat at dekalidad na serbisyo sa taumbayan. Wala ring silbi ang magagandang pangako kung wawaldasin ang kaban ng bayan sa pagyayabang nito na dapat sana’y nagagamit para sa higit na makabuluhang programa para sa mahihirap. Hangad nating makita ang pagbabago ng Pilipinas, una sa lahat, sa pamahalaang nagsisikap na gawing masinop ang paggasta sa ating pera. 

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,054 total views

 29,054 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 40,771 total views

 40,771 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 61,604 total views

 61,604 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 78,029 total views

 78,029 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,263 total views

 87,263 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 29,055 total views

 29,055 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sagot ang pag-unfriend

 40,772 total views

 40,772 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungang abot-kamay

 61,605 total views

 61,605 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Truth Vs Power

 78,030 total views

 78,030 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heat Wave

 87,264 total views

 87,264 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 74,083 total views

 74,083 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Plastik at eleksyon

 82,142 total views

 82,142 total views Mga Kapanalig, mala-fiesta na ba sa inyong lugar sa dami ng mga nakasabit na tarpaulins at posters ng mga kandidato? Asahan ninyong darami

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sasakay ka ba sa mga resulta ng surveys?

 103,143 total views

 103,143 total views Mga Kapanalig, nagsusulputang parang kabute, lalo na sa social media, ang iba’t ibang surveys na nagpapakita ng ranking ng mga kandidato sa paparating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Culture Of Service

 63,146 total views

 63,146 total views Saan mang panig ng mundo, hinahangaan tayong mga Pilipino lalu na ang mga Filipino Migrant workers o mga Overseas Filipino Workers (OFW). Sinasaluduhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Record High

 66,838 total views

 66,838 total views Lagot tayo Kapanalig… Para sa kaalaman ng lahat na Pilipino, naitala sa record high ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas nito lamang Enero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heads Will Roll

 76,419 total views

 76,419 total views Here we go again! Ang pahayag na “heads will roll” ay gasgas na Kapanalig. Malinit natin itong naririnig at napapanood sa tuwing mayroong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Negative campaigning

 78,081 total views

 78,081 total views Mga Kapanalig, walang nagbabawal sa mga kandidato ngayong eleksyon o sa kanilang mga tagasuporta na magsagawa ng tinatawag na “negative campaigning”. Tugon ito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

No to mining

 95,412 total views

 95,412 total views Mga Kapanalig, inanunsyo noong nakaraang linggo ng Maharlika Investment Corporation, ang investment company na pagmamay-ari ng gobyerno, na magpapautang ito para sa isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa armas at bala

 71,395 total views

 71,395 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pangunahing aksyon ng ikalawang administrasyon ni US President Donald Trump ay ang pag-freeze sa mga proyekto ng United

Read More »
Latest News
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasaan Napunta Ang Pera?

 64,253 total views

 64,253 total views Kapag pera ang pag-uusapan, ito ay magulo…lumilikha ng hindi pagkakaunawaan, nang away. Taon-taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet ng Pilipinas, nag-aaway ang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top