Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Waste to energy technology, pinsala ang idudulot sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 312 total views

Pinabulaanan ng Mother Earth Foundation sinasabing mabuting maidudulot ng Waste To Energy Technology sa Pilipinas.

Iginiit ni MEF Chairman Sonia Mendoza, na hindi tunay na mura ang nakukuhang enerhiya mula sa mga basura na sinusunog.

Dagdag pa nito, malaking peligro ang idinudulot ng pagsusunog ng basura sa kalusugan ng mga residenteng malapit sa WTE plants.

Iminungkahi ni Mendoza na pinaka mabuti pa rin ang magbawas sa pagkonsumo ang bawat indibidwal upang mabawasan din ang kalat na nalilikha ng tao kada araw.

“Ang una pong dapat nating isipin sa basura ay iwasang lumikha ng basura, reduce your waste, reduce muna. Kasi po kapag nag waste to energy tayo kailangang po ng mga yan ng napakaraming basura para po kumita sila, yung tipping fee dun sila kikita, kapag kokonti po yun hindi sila kikita. Yun pong waste to energy, lumikha kayo ng lumikha ng basura, para meron tayong susunugin at makakuha tayo ng energy,” pahayag ni Mendoza sa Radyo Veritas.

Ayon sa National Solid Waste Management Commission noong 2013 ay nakalilikha ang mga tao ng 38,092 tonelada ng basura araw-araw, at sa huling pag-aaral noong 2014, nadagdagan pa ito at naging 38,757 tonelada kada araw.

Sinabi ng ahensya na tiyak na dadami pa ang mga basura sa bansa ngayong taon at maaari itong umabot sa 40,087 tonelada, kung saan 41 porsyento nito ay nagmumula sa Metro Manila.

Ayon kay Mendoza, kung itutuloy ng pamahalaan ang pagbili sa WTE Plant, ay aabot sa 650-million dollars ang gagastusin nito.

Matatandaang una nang pinuna ng Kanyang Kabanalan Francisco ang Throw Away culture o basta na lamang pagtatapon ng mga bagay na maaari pang muling magamit.

Dahil dito nakasaad sa Laudato Si ni Pope Francis na ang mundo ay tila nagiging isang malawak na tambakan ng basura, at ang dating kaakit-akit na paraisong likha ng Panginoon ay natakpan na ng mabaho at maruming kalat ng mga tao.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 79,832 total views

 79,832 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 87,607 total views

 87,607 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 95,787 total views

 95,787 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 111,328 total views

 111,328 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 115,271 total views

 115,271 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Veritas NewMedia

Pagpaslang sa Forest Ranger, kinondena

 41,912 total views

 41,912 total views Kinondena ng Environmental Legal Assistance Center (ELAC) ang pagpatay kay Department of Environment and Natural Resouces (DENR) Forest Ranger Bienvinido “Toto” Veguilla, Jr.

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Sagipin ang kalikasan

 41,930 total views

 41,930 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng kagyat na pagbabago para sa kalikasan. Sa inilabas na Pastoral Statement on the Environment

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top