165 total views
Inaasahan ng Catholic Bishop Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth na 100-percent ang ibibigay na partisipasyon ng mga kabataang dadalo sa World Youth Day sa Poland sa ika-25 hanggang ika-31 ng Hulyo ngayong taon. Ayon kay Father Kunegundo Garganta, executive secretary ng komisyon, ipinapanalangin ng buong Simbahang Katolika na tunay na maging karanasan ng awa at habag ng Diyos ang pandaigdigang pagtitipon ng mga kabataan na pangungunahan ng Santo Papa.
“For the upcoming World Youth Day, I appeal to everyone to help in praying that this 31st WYD becomes a genuine experience of mercy – sharing it and receiving it as well,” pahayag ni Father Garganta sa Radio Veritas.
Sinabi ng pari na hinahangad ng Simbahan na sa pagdiriwang ng ika-31 World Youth ay matutunan ding maibahagi at matanggap ng mga kabataan ang awa at habag ng kapwa at ng simbahan.
Mensahe pa ng pari na ang mga Pilipinong kabataan na dadalo ay inaasahan ng simbahan sa Pilipinas na sila ay maging misyonero at maging witness ng awa at habag ng Diyos . Kasabay nito ang panalangin ng pari na ang mga delegadong kabataan sa WYD 2016 ay maging masigla at tunay na maranasan ang tunay at totoong pilgrims na ibigay ang kanilang buong talino lakas at pag ibig sa simbahan para sa isang maganda at mabungang resulta ng pagtitipon.
“For the WYD pilgrims to seriously and joyfully commit themselves as witnesses of God’s mercy. Living the spirit of a true pilgrim in giving 100% participation to the program.”
Ang Pilipinas ang nakapagtala ng mahigit 5-milyong participants sa kasaysayan o mula ng simulan ang WYD.