Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

150-milyong pisong confidential fund ng DepEd, mananatili

SHARE THE TRUTH

 1,556 total views

Mananatili ang 150 milyong pisong confidential fund sa panukalang pondo ng Department of Education (DepEd) sa susunod na taon na nagkakahalaga ng kabuuang 710 bilyong piso.

Ito ang inihayag ni Zamboanga City 2nd district Representative Manuel Jose Dalipe-kaugnay sa pagtalakay ng bawat komite sa mga aamyendahang panukala matapos ang sponsor deliberation ng bawat tanggapan ng pamahalaan sa 2023 national budget.

“I am one with him for additional budget for classrooms but not necessarily naman kukunin sa confidential funds because when the Vice-president was here during the sponsorship of the budget of our department, the Department of Education, clear naman kay Vice president-secretary Sara Duterte ‘yung purpose ng confidential fund,” ayon kay Dalipe.

Sinabi ni Dalipe, maaring magkaroon pa ng karagdagang pondo ang DepEd para sa pagsaaayos ng mga nasirang paaralan dulot ng kalamidad, at hindi ito magmumula sa confidential fund ayon sa mungkahi ni Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel.

Sa nakalipas na pananalasa ng Super Typhoon Karding, aabot sa P112-milyon halaga ang kinakailangan ng DepEd sa pagkukumpuni ng mga nasirang paaralan.

Ito ay bukod pa sa 40-bilyong pisong halaga ng mga classroom na kailangang sumailalim sa pagkukumpuni sa mga paaralang una ng nasira sa mga nagdaang kalamidad.

Matapos ang pag-amyenda, inaasahang sa mga susunod na araw ay isusumite na sa Mataas na Kapulungan ang bersyon ng Kamara sa 2023 proposed budget na nagkakahalaga ng higit sa limang trilyong piso.

Dagdag pa ng mambabatas, wala ding inaasahang malaking pagbabago sa panukalang pondo maliban lamang sa mga kahilingan ng mga mambabatas sa ilang ahensya ng karagdagang pondo.

Naniniwala naman ang simbahang Katolika na ang pagiging bukas sa publiko sa mga paglalaanan ng pondo ay isang paraan upang maiwaksi ang katiwalian.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 10,629 total views

 10,629 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 18,729 total views

 18,729 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 36,696 total views

 36,696 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 66,011 total views

 66,011 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 86,588 total views

 86,588 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Pilipinas, magpapadala ng rescue team sa Myanmar

 11,657 total views

 11,657 total views Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na magpapadala ang Pilipinas ng 114 personnel bukas upang tumulong sa search and rescue

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top