Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

160-kooperatiba, nagsama-sama sa Cooperative Congress

SHARE THE TRUTH

 480 total views

Pinangunahan ng Union of Metro Manila Cooperatives (UMMC) ang Metro Manila Cooperative Congress ngayong araw ika-20 ng Oktubre 2022 na may temang ‘Cooperatives:responding to the Signs of times’.

Ayon sa U-M-M-C, aabot sa 900-Cooperative leaders ng 160-kooperatiba sa 11-lungsod ng Metro Manila ang dumalo sa pagtitipon na ginanap sa Crowne Plaza, Pasig City.

Binigyan diin ni Father Anton CT Pascual, Chairperson ng United Union of Metro Manila Cooperatives (UMMC) at Board Member Chairman ng Union of Catholic Church-based Cooperatives (UCC) ang kahalagahan ng Cooperative Congress.

Sinabi ni Fr. Pascual na itinuturo ng mga kooperatiba ang pagkakaisa upang sama-samang makamit ang pag-unlad na hindi sinisira ang kalikasan.

Ipinaliwanag ng executive director ng Caritas Manila at pangulo ng Radio Veritas na ang kooperatiba ay makatao, pro-service at pro-planet alinsunod sa pagsusulong ni Pope Francis sa diwa ng “kooperatibismo”.

“Napakahalaga ng Cooperative Congress lalo na ngayong Cooperative month na tuwing Oktubre ay idineklara ng pamahalaan. Tayo naman sa simbahan, si Pope Francis ay nagtutulak ng kooperatibismo sa buong mundo, sapagkat ang kooperatiba ay makatao, it is profit for people, pro-service, pro-people, pro-planet. Ang pera ay ginagamit ang kita, ginagamit para sa kaunlaran ng tao upang maingatan din ang kalikasan at hindi ang kita ay pansarili lamang,”paliwanag ni Fr.Pascual sa Radio Veritas

Sa kanyang mensahe, inihayag ni Senator Imee Marcos, chairwoman ng Senate Committee on Cooperatives na mahalaga ang pagdaraos ng cooperative congress.

Inihayag ng Senador na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga kooperatiba ay mapapaunlad ang sektor ng agrikultura, pagkain, transportasyon at iba pang sektor na kaanib sa consumer coops.

“It is also important that we put together all the different groups of transport and public utilities, all cluster of finance-credit, the clusters of consumer coops and the human services as well as the non-business coops of education, advocacy and union, together with the agricultural coops. I think we can hold hands and finally claim to have genuine unified strong coop movements here in the Philippines,”mensahe ni Senator Marcos sa cooperative congress

Sa datos ng Cooperative Development Authority, aabot sa 11-milyong Pilipino ang miyembro ng 11-libong rehistradong kooperatiba sa buong bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 15,319 total views

 15,319 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 23,419 total views

 23,419 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 41,386 total views

 41,386 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 70,618 total views

 70,618 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 91,195 total views

 91,195 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

Pope Leo XIV, bagong Santo Papa

 8,486 total views

 8,486 total views Sa isang makasaysayang sandali para sa Simbahang Katolika, napili ng College of Cardinals ang bagong Santo Papa. Sa day 2 ng Conclave at

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 7,015 total views

 7,015 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top