Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan at makakalikasang grupo, nanindigan laban sa pagmimina sa Sibuyan island

SHARE THE TRUTH

 618 total views

Nagpahayag ng pagtutol si environmentalist Rodne Galicha laban sa pagmimina sa Sibuyan Island sa lalawigan ng Romblon.

Ayon kay Galicha, executive director ng Living Laudato Si’ Philippines, mananatiling matatag ang paninindigan ng mga Sibuyanon upang pigilan ang pagmimina ng Altai Philippines Mining Corporation sa isla ng Sibuyan.

Iginiit ni Galicha na dapat higit na pakaingatan ang mga likas na yaman sa halip na ipagpalit ang mga ito sa salaping magmumula sa mapaminsalang pagmimina.

“We will not stop protecting our island. One of the Philippines’ last biodiversity hotspots. Our mountains, rivers, and seas are more important than whatever wealth mining can give,” pahayag ni Galicha.

Magugunita noong 2011 nang maglabas ng cease and desist order ang Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB) laban sa pagmimina sa Sibuyan Island dahil sa kakulangan ng social acceptability na kinakailangan sa ilalim ng Philippine Mining Act.

Ngunit nitong Setyembre 2021 ay binawi na ito ng MGB matapos ipatupad ng dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 130 o ang pagbawi sa ban on open-pit mining sa bansa.

Muli namang hinimok ni Galicha ang mamamayan na isabuhay ang pagmamalasakit sa kalikasan upang magampanan ang pagiging mabuting katiwala ng mga nilikha ng Diyos at mapakinabangan din ng mga susunod pang henerasyon.

Kaisa naman ng mamamayan ng Sibuyan Island ang Simbahang Katolika sa patuloy na pagtutol sa pagpasok ng industriya ng pagmimina sa isla.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 53,819 total views

 53,819 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 65,536 total views

 65,536 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 86,369 total views

 86,369 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 102,026 total views

 102,026 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 111,260 total views

 111,260 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Bishop Bagaforo, nahirang sa FABC

 5,196 total views

 5,196 total views Hinirang ng Federation of Asian Bishops’ Conference (FABC) si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo bilang Bishop Member ng FABC Office of Human Development

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagkaaresto kay Digong, tagumpay ng katarungan

 8,915 total views

 8,915 total views Itinuturing ng Alyansa Tigil Mina (ATM) bilang tagumpay ng katarungan ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top