417 total views
Pinangunahan ng Union of Metro Manila Cooperatives (UMMC) ang Metro Manila Cooperative Congress ngayong araw ika-20 ng Oktubre 2022 na may temang ‘Cooperatives:responding to the Signs of times’.
Ayon sa U-M-M-C, aabot sa 900-Cooperative leaders ng 160-kooperatiba sa 11-lungsod ng Metro Manila ang dumalo sa pagtitipon na ginanap sa Crowne Plaza, Pasig City.
Binigyan diin ni Father Anton CT Pascual, Chairperson ng United Union of Metro Manila Cooperatives (UMMC) at Board Member Chairman ng Union of Catholic Church-based Cooperatives (UCC) ang kahalagahan ng Cooperative Congress.
Sinabi ni Fr. Pascual na itinuturo ng mga kooperatiba ang pagkakaisa upang sama-samang makamit ang pag-unlad na hindi sinisira ang kalikasan.
Ipinaliwanag ng executive director ng Caritas Manila at pangulo ng Radio Veritas na ang kooperatiba ay makatao, pro-service at pro-planet alinsunod sa pagsusulong ni Pope Francis sa diwa ng “kooperatibismo”.
“Napakahalaga ng Cooperative Congress lalo na ngayong Cooperative month na tuwing Oktubre ay idineklara ng pamahalaan. Tayo naman sa simbahan, si Pope Francis ay nagtutulak ng kooperatibismo sa buong mundo, sapagkat ang kooperatiba ay makatao, it is profit for people, pro-service, pro-people, pro-planet. Ang pera ay ginagamit ang kita, ginagamit para sa kaunlaran ng tao upang maingatan din ang kalikasan at hindi ang kita ay pansarili lamang,”paliwanag ni Fr.Pascual sa Radio Veritas
Sa kanyang mensahe, inihayag ni Senator Imee Marcos, chairwoman ng Senate Committee on Cooperatives na mahalaga ang pagdaraos ng cooperative congress.
Inihayag ng Senador na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga kooperatiba ay mapapaunlad ang sektor ng agrikultura, pagkain, transportasyon at iba pang sektor na kaanib sa consumer coops.
“It is also important that we put together all the different groups of transport and public utilities, all cluster of finance-credit, the clusters of consumer coops and the human services as well as the non-business coops of education, advocacy and union, together with the agricultural coops. I think we can hold hands and finally claim to have genuine unified strong coop movements here in the Philippines,”mensahe ni Senator Marcos sa cooperative congress
Sa datos ng Cooperative Development Authority, aabot sa 11-milyong Pilipino ang miyembro ng 11-libong rehistradong kooperatiba sa buong bansa.