Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sr. Mananzan at Bro. Armin, bibigyang-parangal ng CEAP

SHARE THE TRUTH

 502 total views

Bibigyang-pagkilala ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang dalawang lingkod ng Simbahan na pambihirang nagpamalas ng pagmamahal sa Panginoon at bayan.

Igagawad ng CEAP ang 2022 Pro Deo Et Patria Award kay Benedictine nun Sr. Mary John Mananzan, OSB bilang pagkilala sa kanyang paninindigan at pagsusulong ng katarungang panlipunan bilang bahagi ng kanyang paglilingkod sa Panginoon at pagpapalaganap ng mga turo ng Simbahan.

“The Pro Deo et Patria Award is given by the Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) to deserving individuals who manifest an exemplary attitude of love for God and country, and their faithfulness to Catholic teachings as part of service to God. This year, the Board of Trustees has decided to confer the 2022 Pro Deo Et Patria Award to Sr. Mary John Mananzan, OSB,” pahayag ng CEAP.

Ayon sa pamunuan ng CEAP, katangi-tangi ang pag-aalay ni Sr. Mananzan ng kanyang buhay hindi lamang para sa Panginoon kundi maging sa pagsusulong ng katarungang panlipunan at pagtatanggol sa mga naaapi.

“Sr. Mary John Mananzan is the current VP for External Affairs of St. Scholastica’s College. As a Missionary Benedictine nun, she has spent her life as a Catholic nun, leader, educator, social activist, and theologian. She stood up with oppressed groups and individuals during the Martial Law and continued to be vocal and active in various social movements,” dagdag pa ng CEAP.

Si Sr. Mananzan ay kasalukuyang nagsisilbi bilang Vice President for External Affairs ng St. Scholastica’s College at isa ring co-founder ng GABRIELA (General Assembly Binding Women for Integrity, Reforms, Equality, Leadership, and Action) at ng Institute of Women’s Studies in St. Scholastica’s College-Manila.

Igagawad din ng CEAP ang 2022 Pro Deo Et Patria Award kay Br. Armin A. Luistro, FSC. sa pagsusulong ng patas at kalidad na edukasyon sa bansa bilang isa sa “Philippine education’s true leaders and educators”.

Si Br. Armin A. Luistro, FSC. na dating nagsilbi bilang kalihim ng Department of Education ay ang kauna-unahang Filipino na naitanghal upang magsilbi bilang 28th Superior General ng Brothers of the Christian Schools.

Ayon sa CEAP, “Regardless of the role he took, Br. Armin never failed to show his steadfast leadership as an educator and a servant of God. He truly is worthy of the Pro Deo et Patria Award.”

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 126,706 total views

 126,706 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 134,481 total views

 134,481 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 142,661 total views

 142,661 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 157,418 total views

 157,418 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 161,361 total views

 161,361 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 2,006 total views

 2,006 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 27,235 total views

 27,235 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 27,918 total views

 27,918 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top