Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

2 weeks health break sa mga guro, suportado ng simbahan

SHARE THE TRUTH

 236 total views

Suportado ni Father Joel Saballa, CFIC ang panawagan ng mga guro para sa dalawang linggong ‘health break’ sa mga lugar na sakop ng COVID-19 Alert level 3 status.

Ayon kay Fr. Saballa, isa sa mga anchor ng Hello Father 911 Monday Edition ng Radio Veritas na marami nang mga guro ang nagkakasakit dahil sa epekto ng COVID-19 na dinagdagan pa ng banta ng Omicron variant.

“Nakita natin ‘yung hirap ng mga guro. Ang dami pong guro ngayon na maysakit at minsan ‘yung mga guro ay hirap na hirap at pagod na pagod na. Mahina na nga ‘yung internet at the same time, sumabay pa itong ating season ng ubo at sipon at dumagdag pa itong banta ng Omicron variant,” pahayag ni Fr. Saballa sa panayam ng Radio Veritas.

Hinihiling din ng pari na nawa’y mabigyang-pansin ng Department of Education ang hangarin ng mga guro na mabigyan ng pahinga hindi lamang sa pagtuturo, kun’di maging sa iba’t ibang stress na dulot ng pandemya na kalauna’y humahantong na sa suliranin sa mental health.

“Baka pwedeng mai-konsidera ng Department of Education ang pansamantalang pahinga… para ito sa kabutihan kasi ‘yung mental health, dagdagan mo pa yan, yung takot natin sa COVID at sa Omicron nagsasabay-sabay na,” ayon sa pari.

Sa isinagawang Google Form survey, lumabas dito na 55-porsyento ng mga teacher-respondents sa Metro Manila ang mayroong sintomas ng trangkaso.

Bagamat mayroong mga sintomas, karamihan sa mga guro o 84 na porsyento ng mga respondents ang nagsabing patuloy pa rin sila sa kanilang pagtuturo o pagtatrabaho sa pamamagitan ng online.

Habang 90-porsyento naman ng mga guro ang nagsasabing kailangan nila ng “health break” upang gumaling sa mga iniindang karamdaman.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 5,853 total views

 5,853 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 23,837 total views

 23,837 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 43,774 total views

 43,774 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 60,971 total views

 60,971 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,346 total views

 74,346 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,017 total views

 16,017 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 41,458 total views

 41,458 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top