432 total views
Handang-handa na ang may 200 pari mula sa loob at labas ng Archdiocese of Lipa Batangas na magbigay ng kumpisal sa mga delegado sa ikatlong araw ng 4th World Apostolic Congress on Mercy.
Ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles, nakaantabay ang mga pari sa magaganap na ‘confession’ sa iba’t-ibang lengguwahe dahil nagmula ang mga delegado mula sa ibat-ibang panig ng mundo sa National Shrine and Parish of Padre Pio bukas.
Pahayag ng arsobispo, akma sa tema ng pagtitipon ng WACOM4 sa archdiocese na “Remembering and Celebrating the Mercy of God as a Forgiven and Forgiving Community” ang magaganap na kumpisal
“Nasa 200 confessors are ready na for confession sa ibat-ibang languages at ito ay akma sa pagbibigay importansiya sa mga mangungumpisal na ito ang menshae ng mercy na in-emphasized ng Holy Father last week sa Jubilee of Mercy at kahit sa closing ng Jubilee emphasized niya na ang confession ay very important na magkaroon ng time on mercy, Ang confession ay very important at ang sacrament of the sick, sinabi niya ang mercy ay essential element ng ating Simbahan, kaya maganda ang ating topic na the church that is forgiven is the church that is forgiving.” Pahayag ni archbishop Arguelles sa panayam ng Radio Veritas.
Hinimok naman ng arsobispo ang mga pari na maging “available” ang kanilang mga oras sa mga nangungumpisal, saan mang lugar at anumang oras bilang bahagi na rin ng extraordinary Jubilee of Mercy.
Samantala, handang-handa naman ang Archdiocese of Lipa sa WACOM4.
Ayon kay archbishop Arguelles, may mga nakakalat ng mga pulis kasama ang ilang volunteers para sa pagbibigay seguridad sa ibat-ibang delegado na mula sa ibat-ibang mga bansa na makikibahagi sa banal na pagtitipon.
Nasa 37 mga bus mula sa Lipa Batangaas ang nakatakdang sumundo sa mga delegado mula sa Mall of Asia sa Pasay City.