Ang End Child Rape Law
379 total views
379 total views Mga Kapanalig, isang magandang balita ang sumalubong sa mga bata at mga nagsusulong ng karapatang pambata noong nakaraang linggo. Pinirmahan na ni Pangulong Duterte ang panukalang batas na magtataas sa edad ng pagturing sa statutory rape sa ating bansa. Mula sa dating 12 taong gulang, itinaas na ito sa 16 na taong gulang.