417 total views
Nababahala ang Halalang Marangal 2022 Coalition kaugnay sa kwestiyunableng pag-imprenta ng Commission on Elections (COMELEC) sa 67-porsyento ng mga election ballots ng walang presensya ng mga accredited-observers.
Sa pahayag na nilagdaan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo-chairman ng Caritas Philippines at Convenor ng Halalang Marangal 2022, kaduda-duda ang naging hakbang ng COMELEC na bukod sa walang saksi sa pag-imprenta ng mga balota ay hindi rin naglagay ng mga CCTV camera para ‘transparency’ ng proseso.
“We see this issue on the ballot printing at the National Printing Office and in the Comelec’s Sta. Rosa warehouse without the presence of accredited citizens’ arms or observation groups as very alarming, especially as citizens arms groups were always invited to these activities in previous elections,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.
“The installation of CCTV cameras would have at least increased the confidence of the public given the IATF safety protocols. However, even these simple measures weren’t provided.”
Giit ng koalisyon dapat na magkaroon ng 100% audit sa lahat ng 67-porsyento ng mga naimprentang election ballots ng COMELEC ang mga qualified auditors na may kaalaman sa mga specifications at security markings ng mga balota upang mawala ang mga pagdududa.
Paliwanag ng Halalang Marangal 2022 Coalition, mahalagang matiyak ng COMELEC na walang bahid dungis ang kabuuang proseso ng paghahanda para sa eleksyon upang magkaroon ng buong tiwala ang taumbayan sa magiging resulta ng nakatakdang halalan.
“We at Halalang Marangal 2022, together with all concerned parties, request that these 67% printed ballots be subject to a 100% audit by qualified auditors who are knowledgeable of the ballot’s specifications and security markings.” Dagdag pa ng Halalang Marangal 2022.
Kabilang rin sa rekomendasyon ng koalisyon ang muling pagsusuri o auditing ng mga IT teams na dumalo sa mga source code review ng lahat ng mga SD cards na gagamitin sa halalan.
Giit pa ng Halalang Marangal, dapat na mapanagot ang mga nagsagawa ng kuwestunableng pag-imprenta ng mga balota ng walang saksi upang walang pagdududa ang publikosa kabuuang proseso ng halalan.
Ang Halalang Marangal 2022 Coalition ay binubuo ng may 20 church and civic organization na nagkaisa bilang paghahanda sa nakatakdang halalan sa bansa.