Diocesan Social Action Network, magsasagawa ng mga pagkilos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,825 total reads

Naglabas ng pahayag ang Diocesan Social Action Network ng mga kasaping arkidiyosesis at diyosesis ng People’s Power Movement at Bayanihan Alay sa Kapwa ng Caritas Philippines bilang pakikiisa sa panawagan ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President, Lipa Archbishop Gilbert Garcera, kaugnay ng kasalukuyang sitwasyong pampulitika sa bansa.

Sa inilabas na pahayag ng grupo ngayong Mayo 17, 2026 na Ascension Sunday o ika-pitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, ay inihayag ng grupo ang planong pagpapakilos sa kani-kanilang mga pamayanan at pakikipagtulungan sa lahat anuman ang relihiyon o denominasyon, upang magsagawa ng mga aktibidad na magpapakita ng suporta sa pagsusulong ng katotohanan, pananagutan, at paggalang sa rule of law.

“We will mobilize our respective communities and invite all Filipinos, regardless of faith denomination or church affiliation, to organize activities that will manifest our support… There are suggested activities, prayers, paraliturgical guides, etc…” Bahagi ng pahayag ng grupo.

Binigyang-diin din ng grupo na lalong naging mahalaga ang mapayapang pag-oorganisa at pagiging mapagbantay sa mga demokratikong institusyon kasunod ng mga nagdaang pangyayari sa Senado.

Ayon sa pahayag, dumaraan ang bansa sa iba’t ibang hamon at krisis tulad ng flood control corruption scandal, ICC drug war trial, pagsusulong ng anti-political dynasty bill, at epekto ng tensyon sa Gitnang Silangan sa ekonomiya ng bansa kaya naman naaangkop lamang higit kailanman na magkaisa ang bawat Pilipino.

Kaugnay nito, ipinaalala ng grupo ang payo ng yumaong si Pope Francis na upang makatawid sa krisis ay kinakailangan ng lahat na maging bukas at may alam sa mga nagaganap sa lipunan at matutong pumili at magdesisyon ng tama at mabuti para sa kabutihang panglahat.

“The events in the Senate in the past days make it more important that we peacefully organize as a nationwide network and be vigilant in safeguarding our democratic institutions and upholding the rule of law. We have been going through many challenges and crises the past years – the flood control corruption scandal, the ICC drug war trial, the lobbying for a good anti-dynasty bill, and the economic hardships brought about by the Middle East conflict – and we remember the counsel of our late beloved Holy Father, Pope Francis: “. . . to come out better from a crisis, we must see clearly, choose well, and act right.” Dagdag pa ng grupo.

Nanawagan din ang social action network sa mamamayan na labanan ang pagkakahati-hati, panlilinlang, galit, at kawalang-pakialam, at sa halip ay pairalin ang katotohanan, konsensya, at pagmamahal sa Diyos at sa bayan.

“In these difficult times, may we resist division, deception, hatred, and indifference. May we become a people formed by truth, guided by conscience, and united in love of God and country.” Ayon pa sa grupo.

Pinangunahan ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace, at siya ring Pangulo ng Caritas Philippines ang paglagda sa pahayag kasama ang mga Obispo at mga Social Action Directors ng iba’t ibang diyosesis at arkidiyosesis sa buong bansa

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 56,190 total reads

 56,190 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 152,574 total reads

 152,574 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 196,843 total reads

 196,843 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 219,952 total reads

 219,952 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 292,575 total reads

 292,575 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top