Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang End Child Rape Law

SHARE THE TRUTH

 305 total views

Mga Kapanalig, isang magandang balita ang sumalubong sa mga bata at mga nagsusulong ng karapatang pambata noong nakaraang linggo. Pinirmahan na ni Pangulong Duterte ang panukalang batas na magtataas sa edad ng pagturing sa statutory rape sa ating bansa. Mula sa dating 12 taong gulang, itinaas na ito sa 16 na taong gulang. Ito ang tinatawag na “End Child Rape Law”.

Ano ang magagawa ng batas na ito para sa mga bata?

Ayon sa United Nations Children’s Fund (o UNICEF), isa ang Pilipinas sa may pinakamababang edad kung saan ipinagpapalagay na maaari nang pumayag o magbigay ng pahintulot na makipagtalik ang isang bata. Bago maisabatas ang End Child Rape Law, ang edad ng sexual consent sa ating bansa ay mas mataas lamang ng isang taon mula sa 11 taong gulang sa bansang Nigeria. Bakit nga ba napakababa ng edad kung kailan ipinagpapalagay na nating kaya nang magdesisyon ng isang bata kung nais niyang makipagtalik, samantalang dapat na 18 taóng gulang ang isang tao upang makaboto at 17 taóng gulang naman upang makakuha ng lisensya sa pagmamaneho.

Batay sa pag-aaral ng UNICEF at Center for Women’s Resources noong 2015, pito sa bawat sampung biktima ng panggagahasa sa Pilipinas ay mga bata. Nalaman din sa pag-aaral na isa sa bawat limang batang edad 13 hanggang 17 taóng gulang ay nakaranas ng sekswal na karahasan, habang isa sa bawat 25 bata ang biktima ng rape. Lubhang nakababahala ang mga datos na ito, ngunit ang mas nakababahala ay ang paulit-ulit na pangangailangang ikuwento ng mga batang biktima ang kanilang karanasan sa harap ng hukuman upang patunayan lamang na sila ay pinagsamantalahan at inabuso.

Sa ilalim ng End Child Rape Law, ang pakikipagtalik ng sinumang adult sa batang wala pang 16 na taóng gulang ay awtomatikong ituturing na statutory rape. Pantay din ang pagtingin nito sa mga batang babae at lalaki, sapagkat hindi mas mabigat ang ipinapataw nitong kaparusahan sa mga nang-abuso sa mga batang babae. Patunay itong anuman ang kasarian ng isang bata, kinakailangan siyang bigyan ng pinakamataas na antas ng proteksyon.

Isa pang mahalagang probisyon ng batas na ito ay ang tinatawag na “sweetheart” o “Romeo and Juliet provision. Kinikilala ng probisyong ito na kahit na nakikipagtalik na ang kabataan sa murang edad, hindi sila dapat parusahan o ituring na kriminal dahil sa kanilang ginawa. Kung ang edad sa pagitan ng babae at lalaking nagtalik ay tatlong taon, at kung ito ay consensual (o parehas nilang gusto), non-abusive (o hindi abusado), at non-exploitative (o walang nagsasamantala), hindi ituturing na statutory rape ang naturang relasyon. Linawin nating hindi ibig sabihin nito ay kinukunsinti na natin ang ganitong relasyon, ngunit hindi rin tamang ituring na kriminal ang mga batang may sekswal na relasyon sa kapwa nila bata.

Ang ating Santa Iglesia ay kumikilala sa pangangailangang baguhin ang isang lipunang kumakanlong sa isang culture of death, kasama na rito ang pagsasamantala sa mga bata.  Ayon sa Santo Papa, kailangan nating bumuo ng isang ligtas na kapaligiran para sa mga bata. Ang pang-aabuso sa mga bata ay pagtraydor sa ibinibigay nilang tiwala, at ang biktima ang pangunahing nagdurusa. Bilang mga nakatatanda, tungkulin nating protektahan ang mga bata. Isang paraan, ayon sa Santo Papa, ay ang pagsusulong ng edukasyon at kaalaman upang labanan ang pang-aabuso.

Mga Kapanalig, mabibigyan natin ng proteksyon ang mga bata sa tulong ng End Child Rape Law. Sa pamamagitan nito, magagawa natin ang paalala sa Mga Kawikaan 19:18 na hindi magtulak sa pagkawasak ng ating mga anak. Bilang mga nakatatanda, sundin natin ang halimbawa ni Hesus sa pagtatanggol sa mahihina, gaya ng mga bata.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 7,719 total views

 7,719 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 20,859 total views

 20,859 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 26,832 total views

 26,832 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 32,587 total views

 32,587 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 39,849 total views

 39,849 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 7,720 total views

 7,720 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 20,860 total views

 20,860 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 26,833 total views

 26,833 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 32,588 total views

 32,588 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 39,850 total views

 39,850 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,182 total views

 41,182 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,563 total views

 36,563 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,567 total views

 48,567 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,609 total views

 56,609 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,166 total views

 48,166 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,591 total views

 46,591 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,377 total views

 48,377 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,302 total views

 45,302 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,616 total views

 59,616 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 63,306 total views

 63,306 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top