Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi pagpapatigil ng pangulong Duterte sa E-Sabong, binatikos ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 384 total views

Ikinadismaya ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang hindi pagpapatigil ng Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon ng mga Online-Sabong (E-Sabong).

Ito ay kasunod ng pahayag ng punong ehekutibo na nakakabuti at kailangan ng pamahalaan ang nasisingil na bilyong piso na halaga mula sa mga operasyon ng E-Sabong.

Ayon sa Obispo, hindi tama ang dahilan ng pangulo dahil ipinapakita nito na tanging “PERA” ang kapalit ng buhay ng mamamayan na nalululong sa pagsusugal.

Sinabi ng Obispo na mas pinahalagahan ng Pangulong Duterte ang pera kaysa sa buhay ng nawawalang mahigit sa 30-indibidwal na inuugnay sa online sabong.

“Yung reasoning ng ating pangulo ay hindi maganda, lumalabas na pera lang ang konsiderasyon. Basta may pera o kaya dadating ang isang activity na maaring magkaroon ng masamang epekto sa buhay, yun nga dapat sana itigil muna yon at imbestigahan nasaan yung tatlumput isa na nawawala, ano yung mga ill-effect nito sa buhay ng tao na maraming nalululong. Hindi dapat pera ang unang konsiderasyon, ang unang konsiderasyon ay kabutihan ng tao. Ang ganyang reasoning ay mali, pinagbibili natin ang ating bayan dahil lamang sa pera. Kaya dapat pag-aralan ng maayos at talagang hindi tiyakin kung ito’y nakakatulong ba sa moralidad ng tao o hindi,” ayon sa panayam ng Radio Veritas sa Obispo.

Iginiit ni Bishop Pabillo na dapat isaalang-alang ng pamahalaan ang ikabubuti ng mamamayan sa pamamagitan ng pagpapatigil ng operasyon at pagkakaroon ng masusing pag-aaral sa tunay na epekto ng Online Sabong.

Naninindigan ang Obispo na kailanma’y hindi makakabuti sa mamamayan at pamilya ang anumang uri ng sugal dahil nagdudulot ito ng epekto na kapareho ng pagkalulong sa ilegal na droga.

“Matagal ng paninindigan ng simbahan yan, na ang sugal ay hindi nakakatulong- nakakasira sa karakter ng tao nakakasira sa maraming pamilya, nagiging dahilan ng korapsyon at ganun din ng pang-aabuso sa kapwa tao kaya in general ang lahat ng gambling ay masama, hindi lang entertainment yaan ay habbit na tulad ng pagdo-droga yan ay masama, nakakasira ng buhay ng tao, nakakasira ng pamilya at nagugulo ang karakter ng isang tao,” ayon pa sa Obispo.

Ipinanalangin din ni Bishop Pabillo na unahin ng mga lider ng Pilipinas ang kapakanan ng mamamayan kasabay ng panghihimok sa bawat isa na ipinalangin rin na ipag-adya ng Panginoon ang kanilang kapwa mula sa pagkalulong sa masamang bisyo.

Hinimok din ng Obispo ang mamamayan na ipagdarasal na ligtas ang mga nawawalang indibidwal at kapayapaan ng isip ng mga pamilyang nag-aalala sa mga nawawala.

“Ang prayer po natin sa Panginoon na dapat yung mga leaders natin ay talagang bigyan ng halaga ang kapakanan ng tao, tapos ipagdasal din po natin ang mga kababayan natin na sana hindi sila malulong sa anumang klaseng bisyo. Sana po itong mga nawawala ay matagpuan na at ipagdasal natin ang mga pamilya na nag-aalala na sana po sila ay maging matatag at hindi mawalan ng pag-asa,” panawagan ni Bishop Pabillo.

Una ng isinulong sa Senado ang pagpapatigil ng operasyon ng online-sabong na binara ng pangulong Duterte.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 3,625 total views

 3,625 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 16,765 total views

 16,765 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 22,738 total views

 22,738 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 28,493 total views

 28,493 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 35,755 total views

 35,755 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Jerry Maya Figarola

12.7-milyong piso, nalikom sa YSLEP telethon 2024

 3,825 total views

 3,825 total views Nagpapasalamat si Father Anton CT Pascual na Executive Director ng Caritas Manila sa lahat ng nakiisa sa Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP telethon sa himpilan ng Radio Veritas. Ayon sa Pari, malaking tulong sa pag-aaral ng limang libong scholars ng YSLEP sa pagsisimula ng school year 2024-2025. Inihayag ni Fr,Pascual

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

PCG camp, bibisitahin ng imahe ng Our Lady of Peace and Good Voyage

 1,870 total views

 1,870 total views Inaanyayahan ng Philippine Coast Guard Chaplaincy ang mananampalataya na paigtingin ang pagsusulong ng kapayapaan. Ito ang panawagan ng P-C-G sa idinaos na Walk and Mass for Peace kung saan iprinusisyon ang imahen ng Our Lady of Peace and Good Voyage ng Diyosesis ng Antipolo simula PCG Farola hanggang PCG national headquarters. Ayon kay

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

Walang kaguluhan kung mayroong pagkakapatiran

 3,052 total views

 3,052 total views Nanawagan si Lipa Archbishop Emeritus Ramon Arguelles sa mga manananampalataya na gamitin ang patnubay ng Mahal na Birheng Maria upang maisulong ang pagkakapatiran at maiwaksi ang hindi pagkakasundo. Ayon sa Arsobispo, pinili ng Panginoon si Maria na maging Ina ni Hesukristo at sambayan na simbolo ng pagkakapatiran. “Kung lahat tayo anak ng Diyos,

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

July 12, hiniling na itakdang taunang paggunita sa West Philippine Sea day

 6,679 total views

 6,679 total views Umapela ang West Philippine Sea: Atin Ito! Movement sa pamahalaan na itakda ang July 12 bilang taunang paggunita ng ‘West Philippine Sea Day’. Ayon kay Atin Ito lead convenor Rafaela David, ito ay upang mapalalim ang kaalaman ng mga Pilipino at susunod na henerasyon sa mga paninindigan para sa West Philippine Sea na

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Good Samaritans, inaanyayahang makibahagi sa YSLEP telethon 2024

 6,714 total views

 6,714 total views Isasagawa ng Caritas Manila ang Youth Servant Leadership and Education Program Telethon o YSLEP telethon 2024 sa Lunes, ika-24 ng Hulyo July 15 sa himpilan ng Radio Veritas 846 simula ala-siete ng umaga hanggang ala-sais ng gabi. Tema ng YSLEP telethon 2024 ang ‘Empowering Youth Servant Leaders: Guided by Service, Inspired by Purpose’

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

Gawing inspirasyon si Our Lady of Caysasay na makamit ang kapayapaan

 4,764 total views

 4,764 total views Gamiting ang pamamatnubay ng Our Lady of Caysasay upang maisulong ang kapayapaan sa lipunan. Ito ang mensahe ni Lipa Archbishop Emeritus Ramon Arguelles sa misang ppinangunahan sa Immaculate conception parish sa Cainta Rizal kung saan ipinagdiwag ang ika 18 taong anibersaryo ng pagkakatag ng samahan ng Our Lady of Caysasay Marikina Chapter. Tiwala

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

2 imahen ng Our Lady of Peace and Good Voyage, dadalhin ng Philippine Coastguard sa WPS

 5,162 total views

 5,162 total views Nagpapasalamat si Chief Chaplain Reverend Father Cost Guard Commodore Louie A. Palines kay Rev. Fr. Reynante “Nante” Tolentino, Rector ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Ito ay matapos idaos noong July 05, ang Mass for Peace sa Antipolo Cathedral na sinundan ng pagtanggap ng Philippine

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Dignidad ng mga manggagawa, hindi naisa alang-alang sa 35-pisong wage hike

 10,879 total views

 10,879 total views Kinilala ni Father Jerome Secillano ang 35-pisong wage hike sa suweldo ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR). Inihayag ng Executive Secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Public Afairs na bagamat maliit ang wage hike ay lubhang makatulong ito para sa mga manggagawa. “Maliit man, ito

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Pagtugon sa problema ng child labor, tiniyak ng NCACL

 10,216 total views

 10,216 total views Tiniyak ng National Council Against Child Labor (NCACL) ang patuloy na paglaban sa child labor sa lipunan. Ito ang mensahe ni NCACL Alternate chairperson Undersecretary Benjo Santos Benavidez sa culminating activity sa Tarlac City sa paggunita ng pamahalaan ng World Day Against Child Labor (WDACL). Sinabi ng opisyal na marahang tinutugunan ng pamahalaan

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

January 31, 2025, deadline sa pagpapasa ng entries para sa Francis of Assisi at Carlo Acutis award

 6,263 total views

 6,263 total views Itinakda ng Diyosesis of Assisi sa Italy hanggang January 31, 2025 ang deadline sa pagpapasa online para sa Francis of Assisi and Carlo Acutis Award. Inihayag ng Assisi Diocesan Religious Foundation o Santuario della Spoliazione na layon ng award na isulong ang “renewal of the economy” para sa lahat. “The recognition, as provided

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

35-pisong wage increase, kinundena

 10,125 total views

 10,125 total views Nadismaya ang Church Based Labor Group na Church People Workers Solidarity (CWS) sa 35-pisong dagdag sa minimum wage ng mga manggagawa sa National Capital Region. Ayon sa CWS, malinaw na hindi makatarungan at maituturing na patuloy na pagnanakaw sa mga manggagawa ang hindi pagtataas ng suweldo. “Wage theft, unjust!: CWS on the Php35

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

COCOPEA, nagpasaklolo sa pamahalaan

 10,033 total views

 10,033 total views Nanawagan ang Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) sa pamahalaan ng kagyat ng tulong para sa pampribadong sektor ng pag-aaral. Tinukoy ng mga pribadong paaralan ang suliranin sa pagbaba ng bilang ng mga mag-aaral, paglipat ng mga guro sa mga pampublikong paaralan at pagkalugi. Ayon kay Father Albert Delvo, chairperson ng COCOPEA

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Suporta sa mga manggagawa sa sektor ng agrikultura, tiniyak ng Caritas Manila

 9,938 total views

 9,938 total views Tiniyak ng Caritas Manila ang pinaigting na pakikiisa sa panawagan ng sektor ng manggagawa sa agrikultura. Ito’y matapos patuluyin ng Social Arm ng Archdiocese of Manila sa tanggapan ang may 300 magsasaka, mga kabataan at miyembro ng agricultural groups na pinangasiwaan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Ayon kay Father Anton CT Pascual,

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Employers at manggagawa, inihahanda ng ILO sa paggamit ng AI

 13,573 total views

 13,573 total views Pinapahanda ng International Labor Organization (ILO) ang mga employer at manggagawa sa paggamit ng Artificial Intellenge at makabagong teknolohiya na makakatulong sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapaunlad sa ekonomiya. Ito ang isinulong ng ILO Philippines sa kakatapos na 45th National Conference of Employers (NCE) sa Pilipinas. Ayon kay Sangheon Lee, ILO Director for

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Obispo, ipinaabot ang pagkilala sa mga seafarer

 13,364 total views

 13,364 total views Kinilala ni Stella Maris Philippines-Catholic Bishops Conference of the Philippines Bishop Promotion Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mandaragat. Ayon sa Obispo na siya ring Vice Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, napakahalaga ng tungkulin ng mga mandaragat sa pagpapaunlad ng ekonomiya at pangangalaga sa karagatan. “The sea is your

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top