2nd collection para sa typhoon Carina victims, ipinag-utos ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,870 total reads

Inatasan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga parokyang saklaw ng Archdiocese of Manila na magsagawa ng second collection para sa mga biktima ng Bagyong Carina.

Sa liham-sirkular ni Cardinal Advincula, inihayag nito ang pakikiisa at pananalangin para sa mga lubhang naapektuhan ng matinding ulan at pagbaha.

Isasagawa ang pangangalap ng second collection sa mga parokya at pamayanan mula sa Anticipated Mass sa Sabado, July 27, 2024 at sa buong araw ng Linggo, July 28, 2024.

“May we request our priests, consecrated men and women, and lay leaders to continue extending the compassion of the Lord Jesus to the victim, the poor, the hungry, and all those in need,” panawagan ni Cardinal Advincula.

Samantala, nagpapasalamat din ang kardinal sa pagbubukas ng mga simbahan at tahanan upang kalingain at patuluyin ang mga apektado ng sakuna.

Patuloy namang hinihikayat ni Cardinal Advincula ang pananalangin para sa kaligtasan ng lahat habang bumabangon sa iniwang pinsala at alaala ng Super Typhoon Carina at hanging Habagat.

“Panginoon, sa hudyat ng Iyong salita
ay sumusunod ang hangit at dagat.
Iunat Mo ang Iyong mapagpalang kamay
upang huminto na ang ulan at pagbaha.

Lingapin mo ang aming mga kapatid
na ngayo’y giniginaw, nagugutom,
at nalubog sa tumataas na baha.

Pawiin mo ang lahat ng aming pangamba.
Imulat Mo ang aming mga mata
at buksan ang aming mga puso
upang kami’y makatugon nang bukas-palad
sa aming mga kapaitd na nangangailangan.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni
Kristo, kasama ng Espiritu Santo,
Diyos, magpasawalang hanggan. Amen.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 17,426 total reads

 17,426 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 123,348 total reads

 123,348 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 209,457 total reads

 209,457 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 279,589 total reads

 279,589 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 312,492 total reads

 312,492 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 161,915 total reads

 161,915 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top