3-M pisong tulong, naipamahagi ng Caritas Manila sa typhoon Carina victims

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,826 total reads

Patuloy ang pamamahagi ng tulong ng social arm ng Archdiocese of Manila sa mga biktima ng pananalasa ng super typhoon Carina at hanging Habagat.

Batay sa situational report, umabot na sa halos tatlong milyong piso ang naipamahaging tulong ng Caritas Manila sa higit 2,500 pamilyang lubhang apektado ng kalamidad sa National Capital Region.Sa kasagsagan ng matinding baha sa Metro Manila nitong July 24, agad na nagpahatid ng tulong ang Caritas Manila sa 1,096 residente ng Baseco, Tondo at San Nicolas sa Maynila. Nito namang July 25 ay nasa 1,412 pamilya ang natulungan ng social arm ng arkidiyosesis sa iba pang apektadong parokya sa Maynila, Mandaluyong, Pasay, at San Juan. Nagpaabot na rin ng paunang tulong ang Caritas Manila para sa 1,000 pamilya sa mga karatig na Diyosesis ng Antipolo, Cubao, Imus, Kalookan, Malolos, Novaliches, Pasig, at Tarlac. Tinatayang nasa 12,900 apektadong pamilya ang nilalayong matulungan ng institusyon upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan.

Una nang umapela si Caritas Manila executive director at Radio Veritas president, Fr. Anton CT Pascual sa mananampalataya na makiisa sa hakbang ng institusyon sa pagtulong para matugunan ang pangangailangan ng mga apektado ng kalamidad kabilang na rito ang pagkain, damit, hygiene kits at iba pa. Sa mga nais namang magpaabot ng tulong at donasyon, magtungo lamang sa tanggapan ng Caritas Manila sa Jesus St. Pandacan, Manila o kaya nama’y makipag-ugnayan sa kanilang facebook page para sa karagdagang detalye.

Batay sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa higit 1.3-milyong indibidwal o halos 300-libong pamilya ang apektado ng pinagsamang epekto ng Habagat at ng Bagyong Butchoy at Carina.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 26,762 total reads

 26,762 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 63,826 total reads

 63,826 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 82,037 total reads

 82,037 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 166,365 total reads

 166,365 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 202,509 total reads

 202,509 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 80,679 total reads

 80,679 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top