Umabot sa 30,600 katao ang natulungan ng Caritas Manila matapos ang pananalasa ng bagyong Crising, Dante, Emong at hanging Habagat sa National Capital Region at karatig lalawigan.
6.3-milyong piso ang naipagkaloob ng Caritas Manila sa mga nasalanta ng masamang panahon.
“As of July 31, 2025, Caritas Manila has provided food bags, medical, and crisis assistance to 30,591 individuals affected by flooding due to the recent #Habagat rains and typhoons,” bahagi ng situation report ng Caritas Manila
Mabilis na naipamahagi ng Caritas Manila ang relief assistance tulad ng hygiene kits, timba, jerry cans at beddings para sa mga mamamayan sa Metro Manila. Cash assistance naman ang ibinigay ng social arm ng Archdiocese of Manila sa mga diyosesis na umaapela ng tulong.
Patuloy ang panghihimok ng Caritas Manila sa mga Pilipino na makiisa sa kanilang pagtugon sa pangangailangan ng mga nasalanta ng kalamidad.
“Every man shall give as he is able, according to the blessing of the Lord your God which He has given you.” – Deuteronomy 16:17,” bahagi pa ng mensahe ng Caritas Manila.
Maari namang magtungo sa official facebook page ng Caritas Manila (www.facebook.com/OfficialCaritasManila)upang malaman ang mga bank accounts kung saan maaring magpadala ng anumang makakayanang halaga ng tulong o makipag-ugnayan sa viber number ng Caritas Manila sa mga numero bilang 0-9-6-7-2-7-6-4-8-0-6.






