Bagong Energy Secretary Garin, binatikos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,320 total reads

Mariing kinondena ng mga makakalikasang grupo, faith-based organizations, at mga residente ng Quezon ang muling pagbibigay ng exemption sa coal moratorium para sa proyektong coal-fired powerplant sa lalawigan.

Ito ay ang 1,200-megawatt Atimonan One Energy Inc. (A1E) coal plant ng Manila Electric Company (Meralco) at PowerGen, na muling binigyang pahintulot ng bagong talagang Department of Energy (DOE) Secretary Liza Garin.

Ayon kay Fr. Warren Puno, Regional Coordinator ng South Luzon Eco-Convergence ng Caritas Philippines at kura paroko ng Our Lady of Peace and Good Voyage Parish sa Atimonan, ang hakbang na ito ay hindi na iba sa ‘death sentence’ para sa mga taga-Quezon at pagwawalang-bahala sa karapatan ng mamamayan sa malinis at ligtas na kapaligiran.

Matagal nang tinututulan ng lokal na pamayanan ang A1E project upang maiwasan ang paglala ng polusyon at pagkasira ng kalikasan sa tinaguriang “coal capital” ng bansa.

“Then [Secretary Rafael Lotilla] made a long-overdue yet welcome move when it revoked A1E’s exemption in April. Secretary Garin’s first step as the newly appointed DOE chief is gravely disappointing, ignoring our people’s right to a livable environment and clean energy in the face of the climate crisis. By taking sides with Meralco’s coal bid once more is no less than a death sentence for the people of Quezon,” pahayag ni Fr. Puno.

Samantala, binatikos din ni Power for People Coalition (P4P) convenor Gerry Arances ang pagbibigay muli ng exemption at “committed capacity status” sa A1E project dahil luma na at dapat nang ipawalang bisa ang Environmental Compliance Certificate (ECC) ng proyekto.

Dagdag pa ni Arances, nilalabag ng Meralco ang limitasyon ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) sa pagkontrata ng power capacity mula sa mga planta na pagmamay-ari o kasosyo nito, na maaaring humantong sa abuso sa presyo at konsumer.

“It’s a recipe for disastrous price plays and consumer abuses. The DOE has no business throwing caution to the wind when it comes to Meralco,” giit ni Arances.

Binigyang-diin naman ni Fr. Puno na ituon na lamang ng DOE ang suporta sa renewable energy at ihinto na ang pagtangkilik sa mga fossil fuel projects..

Paliwanag ng pari, mas kailangan ang agarang paglipat patungo sa malinis at abot-kayang enerhiya sa gitna ng tumitinding climate crisis na labis na nagpapahirap sa mga maralita.

Hinamon din ni Fr. Puno si Garin na aniya ay nasa katungkulan upang tunay na maisakatuparan ang paglipat sa ligtas na enerhiya para sa kapakanan ng mamamayan.

“We need to tap our country’s abundance of renewable energy sources and stop allowing more fossil fuel projects. Secretary Garin is in a position to make this transition happen; otherwise, she is committing a disservice to our communities and to Filipino consumers as a whole, and would only perpetuate the administration’s legacy of costly and dirty energy,” saad ni Fr. Puno.

Sa Laudato Si’, una nang nanawagan ang yumaong Papa Francisco sa mga mambabatas na bumuo ng mga patakarang magtataguyod ng paggamit ng renewable energy kapalit ng fossil fuel, upang tuluyang mabawasan at maiwasan ang matinding polusyon at mapaminsalang emissions mula sa pagsusunog ng fossil fuel.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 58,544 total reads

 58,544 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 96,729 total reads

 96,729 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 130,857 total reads

 130,857 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 187,263 total reads

 187,263 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 179,151 total reads

 179,151 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top