PJPS, binigyan ng 3-day retreat ang mga kawani at opisyal ng BuCor

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,305 total reads

Puspusan ang hakbang ng prison ministry at socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) para sa makatao at maka-Diyos na paglilingkod sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa bansa.

Bilang pinangunahan ng Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) ang pagkakaloob ng 3-araw na retreat para sa ilang mga kawani at opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor).

Nagsilbing Retreat Points Giver sa tatlong araw na gawain si Rev. Fr. Jun-G Bargayo, SJ – na siya ring kasalukuyang executive director ng PJPS.

Layunin ng gawain na bigyan ng pagkakataon ang mga opisyal ng BuCor na makapagpahinga, makapagnilay, mapanalangin at higit na mapag-alab ang kanilang misyon sa mga bilanguan ng may higit na pag-unawa sa Mabuting Salita ng Diyos.

Sa ibinahaging Facebook post ng Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) ay umabot sa 37-opisyal ng BuCor ang nakibahagi sa ‘Walking with Jesus Behind the Gates’ Retreat na isinagawa sa Sacred Heart Novitiate.

“Walking with Jesus Behind the Gates: A Retreat with BuCor Officers. From July 24 to 26, thirty-seven BuCor officers stepped into silence, stillness, and grace during a retreat held at Sacred Heart Novitiate. Through deep prayer, reflection, and Gospel contemplation, they encountered Jesus as Friend, Flame, and Light—renewing their sense of mission behind prison walls. Facilitated by PJPS, CLC, and CIS, and guided by Fr. Jun-G Bargayo, SJ, this retreat became a sacred space for healing, hope, and rediscovery.” Bahagi ng pahayag ng PJPS.

Katuwang ni Fr. Bargayo sa pangangasiwa sa tatlong araw na gawain ang ilang mga layko na nagsilbi ring facilitators sa 3-day retreat mula ika-24 hanggang ika-26 ng Hulyo, 2025.

Ang Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) ay ang socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) na nagkakaloob ng iba’t ibang mga serbisyo at programa tulad ng holistic rehabilitation sa mga bilanggo o Persons Deprived of Liberty (PDLs).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 77,076 total reads

 77,076 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 111,817 total reads

 111,817 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 147,117 total reads

 147,117 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 373,386 total reads

 373,386 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 262,610 total reads

 262,610 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top