Heart to heart exhibit, pormal na binuksan ng Archdiocese of Manila sa MOA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,780 total views

Pormal nang pinasinayaan ng Archdiocese of Manila ang “Heart to Heart” exhibit sa Sanctuary ng Mall of Asia sa Pasay City bilang bahagi ng pagdiriwang ng Jubilee Year of Hope ng Simbahang Katolika.

Ayon kay Fr. Genaro Diwa, Minister ng Archdiocesan Liturgical Commission, layunin ng exhibit na ibahagi sa mamamayan ang diwa ng pag-ibig ni Hesus na bukal ng tunay na pag-asa.

“Makikita natin sa exhibit na ito ang katotohanan ng Jubilee of Hope na ipinakikita sa puso ni Hesus—na Diyos na nagkatawang-tao—na nagmamahal sa atin,” pahayag ni Fr. Diwa sa panayam ng Radyo Veritas.

Binigyang-diin ni Fr. Diwa na ang pag-asa ng sangkatauhan ay hindi nakabatay sa mundo kundi sa walang-hanggang pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan, na nahayag sa pag-aalay Niya ng Kanyang bugtong na Anak sa krus.

“Ito ang pinanghahawakan ng pag-asa natin—ang pagtitiwala sa Diyos dahil tayo’y minamahal,” dagdag pa niya.

Tampok sa exhibit ang debosyon sa Sacred Heart of Jesus bilang paggunita sa 350th anniversary ng ‘Great Apparition’ noong Hunyo 1675, nang magpakita si Hesus kay St. Margaret Mary Alacoque, isang French Visitation nun sa Paray-le-Monial, France.

Sa kanyang pagpapakita, hiniling ni Hesus na itatag ang kapistahan ng Kabanal-banalang Puso sa Biyernes matapos ang oktaba ng Corpus Christi, upang mapalaganap ang debosyon sa Kanyang Puso na puno ng pagmamahal at habag.

Bahagi rin ng exhibit ang pagbibigay-pugay kay St. Thérèse of the Child Jesus, sa paggunita ng ika-100 anibersaryo ng kanyang canonization noong Mayo 17, 1925.

Si St. Thérèse, isang French Carmelite nun, ay kilala sa kanyang espiritwalidad ng “Little Way”, na nakatuon sa kababaang-loob, pagtitiwala, at pag-ibig sa Diyos sa maliliit na bagay.

“Sa pagdiriwang ng 100 years ng canonization ni St. Thérèse, ipinapakita namin ang kanyang ‘Little Way’—confidence and love of God,” ani Fr. Diwa.

Ayon pa sa kanya, ang debosyon kay St. Thérèse at sa Sacred Heart ay parehong nakaugat sa pagmamahal ng Diyos at pagtugon ng tao sa pag-ibig sa pamamagitan ng tiwala at debosyon.

“Sana itong aming exhibit ng Sacred Heart ay muling magbukas ng pang-unawa at pagtugon ng mga Kristiyano sa debosyon sa Sacred Heart,” dagdag niya.

Ang exhibit ay katuwang na proyekto ng Archdiocese of Manila, SM Mall of Asia, Miraculous Medal Apostolate (Museo ng Medalya Milagrosa), National Shrine of the Sacred Heart, at Jesuit Music Ministry.

Matutunghayan din sa exhibit ang painting ng Sacred Heart of Jesus mula sa National Shrine na nilikha ni Fr. Arman Tangi, SSP, at ang mga relic nina Sts. Margaret Mary Alacoque at St. Thérèse.

Pinangunahan nina Fr. Diwa at Fr. Mark Campit, Parochial Vicar ng National Shrine of the Sacred Heart, ang pagbabasbas ng exhibit na sinaksihan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang partner organizations.

Inaanyayahan ng Arkidiyosesis ang lahat ng mananampalataya na bumisita sa “Heart to Heart” exhibit sa MOA Sanctuary, na bukas sa publiko mula Agosto 2 hanggang Oktubre 31, 2025, ayon sa mall hours.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 8,418 total views

 8,418 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 78,530 total views

 78,530 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 153,144 total views

 153,144 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 233,223 total views

 233,223 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 276,264 total views

 276,264 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top