Caritas Tarlac, nagpapasalamat sa tulong ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 45,122 total reads

Nagpahayag ng pasasalamat ang Caritas Tarlac sa tulong na ipinagkaloob ng Caritas Manila sa mga apektado ng pagbaha at matinding pag-ulan dulot ng hanging Habagat na pinalakas ng Bagyong Crising, Dante, at Emong.

Ayon kay Fr. Randy Salunga, executive director ng Caritas Tarlac, malaking ginhawa ang naihatid ng social arm ng Archdiocese of Manila para matugunan ang pangangailangan ng mga residente sa apat na bayan ng Tarlac na labis na naapektuhan ng kalamidad.

Ibinahagi ni Fr. Salunga na ang tulungang ito ay naging simbolo ng pagkakaisa at malasakit ng Simbahan, patunay na buhay at aktibo ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, lalo na sa oras ng pagsubok.

“Tayo bilang mga Kristiyano, ito po ang pamamaraan natin ng pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos… Ito po ay patotoo na buhay ang Diyos, kasama natin ang Diyos, at hindi rin nagpapabaya ang Diyos, lalo na sa ganitong pagkakataon—at nararamdaman nila na ang simbahan ang unang-unang lumapit sa kanila,” pahayag ni Fr. Salunga sa programang Caritas in Action ng Radyo Veritas.

Tiniyak din ng pari na anumang sitwasyon, paniniwala, o relihiyon, nakahandang tumugon ang Simbahan sa mga higit na nangangailangan.

Hinikayat ni Fr. Salunga ang lahat na ipagpatuloy ang misyon ng pagtulong sa kapwa, lalo na sa mga mahihirap, upang maipadama ang pagkalinga ng Diyos.

“Kung paano n’yo po kami natulungan dito sa Tarlac, tulungan din po natin ang iba pa nating mga kapanalig. Sana po ay huwag kayong magsawa sa pagtulong,” saad ni Fr. Salunga.

Batay sa pinakahuling tala ng Caritas Manila, umabot na sa 30,600 katao mula sa iba’t ibang diyosesis sa National Capital Region at mga karatig-lalawigan ang nabigyan ng tulong, na may kabuuang halaga na humigit-kumulang ₱6.3 milyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 56,993 total reads

 56,993 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 95,246 total reads

 95,246 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 129,374 total reads

 129,374 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 185,780 total reads

 185,780 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 179,109 total reads

 179,109 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top