Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

33-hektaryang lupain, bahagi ng Caritas Bamboo forest

SHARE THE TRUTH

 3,807 total views

Umabot na sa halos 33-ektaryang lupain ang napakinabangan ng social at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para maging lugar-taniman ng mga kawayan.

Ito ang Caritas Bamboo Forest Project na programa ng Caritas Philippines at Social Action Network, na sinusuportahan ng United States Agency for International Development (USAID) sa pamamagitan ng INSPIRE Project ng Gerry Roxas Foundation.

Ayon kay Caritas PH communications and partnership development head Jing Rey Henderson, ito’y pagtugon sa panawagan ng Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco at liham pastoral ng CBCP hinggil sa kalikasan.

“The beauty of this project is that we are actually creating an integrated forest, not only planting bamboo but fruit trees, vegetables, crops, ornamental plants,” pahayag ni Henderson sa panayam ng Radio Veritas.

Paliwanag ni Henderson, layunin ng proyekto na isulong ang pagtatanim ng mga kawayan sa iba’t ibang diyosesis sa bansa upang pangalagaan ang nag-iisang tahanan, at makapagbigay din ng pagkakakitaan at katiyakan sa pagkain sa mga pamayanan.

Sa kasalukuyan, nakapaglunsad na ng ng bamboo forest project sa Arkidiyosesis ng Capiz at Jaro, at Diyosesis ng San Carlos habang lima naman ang inaasahang ilulunsad sa Mindanao.

Umaasa naman ang Caritas Philippines na maipalaganap ang proyekto sa 86-diyosesis sa buong bansa na maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagtulong at pakikipag-ugnayan ng mga pamayanan, pamahalaan, at mga pribadong sektor.

“So, this is something that would actually retain the balance in biodiversity, while allowing communities to still have naturally grown vegetables and crops for their daily sustenance, and additional income,” ayon kay Henderson.

Idineklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Setyembre bilang Philippine Bamboo Month upang paigtingin ang kamalayan at isulong ang makabuluhang paggamit sa kawayan upang pagkakitaan at pangalagaan ang kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,145 total views

 73,145 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,140 total views

 105,140 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 149,932 total views

 149,932 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 172,882 total views

 172,882 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,280 total views

 188,280 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 419 total views

 419 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,487 total views

 11,487 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 6,511 total views

 6,511 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top