Pagpapatupad ng programa laban sa climate change, panawagan ng CCC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,222 total reads

Nanawagan ang Climate Change Commission (CCC) para sa mas pinaigting na pagpapatupad ng mga programa laban sa climate change at mas konkretong resulta mula sa kooperasyon ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) at European Union (EU) sa usapin ng sustainability at resilience.

Sa ginanap na ASEAN–EU Sustainability Summit 2026 sa Cebu, sinabi ni CCC Vice Chairperson at Executive Director Robert E.A. Borje, na mahalagang matukoy ang mga kakulangan sa pagpapatupad ng mga climate policy upang matiyak na nararamdaman ng mga komunidad ang tunay na epekto ng mga programa.

“Now is a time for us to take a few steps back and to look at what the gaps and challenges are. Because truthfully, the challenge for us is really delivering on the ground and implementation,” ayon kay Borje.

Tinukoy ng CCC ang tatlong pangunahing hamon sa pagpapatupad ng climate action sa ASEAN kabilang ang kakulangan sa koordinasyon ng mga ahensya, limitadong kapasidad sa implementasyon sa lokal na antas, at kahandaan sa pagpapatupad ng mga proyektong para sa katatagan ng komunidad.

Dagdag pa ng komisyon, mahalaga rin ang mas pinaigting na science-based at data-driven policymaking lalo na sa gitna ng tumitinding epekto ng climate change at patuloy na krisis sa enerhiya sa rehiyon.

Binigyang-diin din ni Borje ang kahalagahan ng whole-of-society approach at pakikipagtulungan sa pribadong sektor upang mapalawak ang pondo, teknolohiya, at mga bagong pamamaraan para sa climate resilience at green growth.

“Climate resilience cuts across sectors, ministries, and levels of government, and our delivery systems are still catching up to that reality… Government should see the private sector as a key partner,” saad ni Borje.

Binanggit din ng CCC ang kahalagahan ng ASEAN–EU cooperation sa pagsusulong ng innovation, climate governance, risk-informed planning, at paggamit ng makabagong teknolohiya tulad ng satellite at Earth observation systems para sa mas epektibong pagtugon sa pagbabago ng klima.

Iginiit naman ng CCC na patuloy na isinusulong ng Pilipinas bilang ASEAN Chair sa 2026 ang mas matatag na regional cooperation upang matiyak na ang mga polisiya sa klima ay magdudulot ng konkreto at nasusukat na benepisyo para sa mga komunidad na madaling maapektuhan ng panganib.

Umaayon din ito sa panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa mas matibay na pangangalaga sa kalikasan, alinsunod sa diwa ng Laudato Si’ na nagsusulong ng pananagutan ng tao sa kalikasan at ng pangangalaga sa kapakanan ng mga mahihirap at mga komunidad na lantad sa iba’t ibang sakuna at kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 12,268 total reads

 12,268 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 93,516 total reads

 93,516 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 187,741 total reads

 187,741 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 248,231 total reads

 248,231 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 261,528 total reads

 261,528 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 70,212 total reads

 70,212 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top